Dingdong tumatakbo noon nang naka-adult diaper, military boots: Talagang pagtitripan ka!
AMINADO si Dingdong Dantes na hindi talaga siya masyadong magaling mag-basketball kaya naman noong mag-college ay sa cheering squad siya sumali.
Kuwento ng Kapuso Primetime King, ordinaryong estudyante rin siya nang tumungtong na sa kolehiyo at marami rin siyang hindi malilimutang experience sa school.
Kabilang na rito ang pinagdaanan niyang initiation rite noong first year niya sa San Beda University.
“’Yung gawain namin du’n, tatakbo kami from San Beda, lahat paikot, CEU hanggang Holy Spirit tapos may kanya-kanyang assigned costume or uniform na katawa-tawa,” pagbabalik-tanaw ni Dingdong sa panayam sa kanya ng “Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96” sa GTV.
“Ang na-assign sa amin nu’n naka-adult diaper kami na naka-military boots tapos nakasando tapos naka-chupon. So, talagang pagtitripan ka,” aniya pa.
Inalala rin ng aktor nang maging bahagi siya ng San Beda cheering team sa NCAA games, “Hindi ako masyadong pinagpala sa basketball. Hindi ako kagalingan, e.
“So sabi ko doon na lang ako sa puwede kong mai-contribute and that time I was already into dancing because I came from a dance group called Abztract,” pahayag ni Dong.
Ang tinutukoy niya ay ang San Beda Red Corps. Cheerleading Squad. Isa raw sa mga ginagawa niya rito bukod sa pagpe-perform sa NCAA games ay ang turuan ng dance steps ang mga nanonood para mag-cheer sa kanilang varsity team.
Samantala, nang mapag-usapan naman ang kanyang mga anak na sina Ziggy at Zia, naikuwento ni Dong ang tungkol sa hobbies ng mga bagets.
Sey ng mister ni Marian Rivera, ngayon pa lang ay nahihilig na sa basketball si Ziggy, “Sabi ko sana magaling ka sa basketball kasi du’n ako hindi magaling. So mukhang okay naman.”
“Kaya meron siyang maliit na court diyan. Tapos ngaon meron siyang malaking court kahit paano,” aniya pa.
Tungkol naman kay Zia, love na love raw nito ang kumanta, “Ibinibigay namin sa kanya kung ano mga hilig niya. Tapos nakikita na lang namin kung paano nag-e-evolve ‘yong kanyang interes.
“Nakakatuwa kasi parang old soul siya. Kasi ‘yong mga gusto niya mga Beatles at saka mga Elvis Prestley,” sabi pa ni Dingdong.
At sa tanong kung nakikita na ba niya si Zia na nasa showbiz na rin, “I think masyado pang maaga para malaman ‘yan. But kung saan niya gusto siyempre susuportahan namin siya, 100 percent.
“Pero it’s necessary for her, of course, to finish her studies first. ‘Yun dapat ‘yung priority,” diin ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.