Charlie Dizon ibinandera ang buhay may-asawa kasama si Carlo

Charlie Dizon ibinandera ang buhay may-asawa kasama si Carlo Aquino

Therese Arceo - June 28, 2024 - 06:40 PM

Charlie Dizon ibinandera ang buhay may-asawa kasama si Carlo Aquino

PROUD na ibinandera ng award-winning Kapamilya actress na si Charlie Dizon ang mga larawan na highlights ng kanyang uhay ngayong Hunyo.

Hindi naman kaila sa madlang pipol na maraming nangyari sa Kapamilya actress ngayong buwan.

Mula sa pagkakapanalo bilang Best Actress sa Gawad Urian sa pelikulang “Third World Romance” hanggang sa pagpapakasal nila ng kapwa aktor na si Carlo Aquino.

Kahit nga marami ang nabigla at umani ng samu’t saring komento mula sa madpang netizens ay makikitang masaya sina Carlo at Charlie sa bagong journey nila bilang mag-asawa.

“Hunyo,” maikling caption ng aktres.

Baka Bet Mo: Charlie may ‘hangover’ pa sa pagiging best actress, kasal kay Carlo Aquino

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad ngang umani ng mga komento mula sa madlang pipol ang naturang post at tila hindi maka-move on na si Charlie na ang asawa asawa ni Carlo dahil pilit pa rin nilang ibinabalik ang dating karelasyon ng aktor na si Trina dahil may anak sila.

Sey ng netizen, nalulungkot sila para kay Mithi at sana ay maging priority pa rin ang bata sa kabila ng pagkakaroon ng bagong pamilya ni Carlo.

“It is ok to be happy, basta tanggap lahat ng meron at wala yung isa, As for the child of Carlo, another person will Love ans Care for her always..mamahalin din sya ni Charlie kasi bahagi sya ng Buhay nila forever as for the EX of Carlo, may bagong friend at may kahalili sa pag aalalaga sa anak ninyo ni Carlo, at makakahanap ka rin for sure ng taong magmamahal at makakasama mo habang buhay. Importante nagkakaintindihan ang lahat at inuuna ang kapakanan ng bata…be happy lang, wala naman dapat kaawaan at wala naman talo basta meron pagkakaintindihan, meron lang talagang taong di para sayo at para sayo..ang bata naman kaya magmahal ng marami basta bibigyan sila ng oras at pagmamahal,” mahabang litanya ng isang netizen.

Ngunit tila magiging maayos naman ang lahat at tanggap naman ni Charlie ang kanyang responsibilidad bilang pangalawang ina ni Mithi dahil kamakailan lang ay nag-bonding ang dalawa, ilang araw matapos ang kasal nila ng ama ni Mithi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending