Charlie love na love ang anak ni Carlo kay Trina Candaza

Charlie Dizon love na love ang anak ni Carlo Aquino kay Trina Candaza

Ervin Santiago - September 29, 2024 - 07:07 AM

Charlie Dizon love na love ang anak ni Carlo Aquino kay Trina Candaza

Charlie Dizon, Carlo Aquino at Enola Mithi

BINALIKAN ng award-winning Kapamilya actor na si Carlo Aquino ang ilang mahahalagang eksena sa love story nila ng asawang si Charlie Dizon.

Sa pakikipagchikahan ni Carlo sa ilang members ng entertainment media kamakailan ay inalala niya ang mga naging kaganapan sa intimate wedding ceremony nila ni Charlie last June na ginanap sa Silang, Cavite.

Ayon sa aktor, nagsimula ang pagiging close nila ng Kapamilya actress nang magkasama sila sa ABS-CBN series na “A Soldier’s Heart.”

Baka Bwet Mo: Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: ‘May mga taong naninira… sana respeto na lang’

“Colleague kami, tumatambay nu’ng nagkaroon ng lock-in pero walang romance,” kuwento ni Carlo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charlie Dizon (@charliedizon_)


Pero feeling ng aktor, nagsimula siyang makaramdam ng “something” kay Charlie nang magkasama sila nang ilang raw sa Star Magic tour sa Amerika.

“Doon nabuo kami. Lagi kami magkasama. Kapag may kailangang gawing vlog for Star Magic, kami magkasama, so na-develop,” pahayag ni Carlo.

Niligawan daw niya ang aktres nang siguradung-sigurado na siya sa feelings niya hanggang sa magpunta na nga siya  sa Sacramento para makilala up close and personal ang parents ni Charlie.

“Pinuntahan ko yung parents niya sa Sacramento, nililigawan ko na. Nag-drive ako from San Francisco to Sacramento

“Nagtataka siya, nagulat, pero somehow, na-appreciate niya rin ‘yun kasi nag-drive akong malayo, nagdala ako mga pasalubong for them,” pagbabahagi pa ni Carlo.

Grabe rin daw ang naging “interview” ng nanay ni Charlie kay Carlo nang magkita sila, “Ipinakita ko naman na maayos ang intentions ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)


Mismong birthday ni Charlie nang yayain siya ni Carlo na magpakasal, “Nag-propose na ako sa kaniya, sabi ko, ‘Ano na gusto mong journey after your 30th?’ Ang sagot niya, gusto niya mag-Christmas village sa Switzerland. Sabi ko, sa buhay, hindi destination.”

Nagpaliwanag din ang aktor kung bakit nagdesisyon silang gawing private at lowkey ang kanilang kasal.

“Mas gusto ko lang mas intimate, usually yung mga magagandang bagay sinisira ng mga taong hindi ka naman kilala,” aniya.

Tungkol naman sa mga hate comment na natatanggap niya sa social media, “Ako wala akong pakialam. Lumagpas na ako sa phase ko na pini-please ko mga tao.”

Masaya ring ibinahagi ni Carlo na magkasundung-magkasundo si Charlie at anak kay Trina Candaza, “Mithi and Charlie, sobrang okay. Mahal na mahal siya ni Mithi and mahal na mahal siya ni April (tunay na pangalan ng aktres). Minsan hinahanap ni Mithi kapag wala si April.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong naman kung kailan nila planong magka-baby ni Charlie, “Kung ma-bless kami ng offspring, sobrang tatanggapin namin ‘yun. Pero ngayon, nagsasabay kami ng trabaho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending