Carlo, Charlie ikinasal na sa isang private resort sa Cavite

Carlo Aquino, Charlie Dizon ikinasal na sa isang private resort sa Cavite

Ervin Santiago - June 09, 2024 - 07:22 PM

Carlo Aquino, Charlie Dizon ikinasal na sa isang private resort sa Cavite

IKINASAL na ang celebrity couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon ngayong araw, June 9, sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Nagsilbing Maid of Honor sa wedding si Sue Ramirez habang sina Belle Mariano, Kaila Estrada at Adrian Lindayag ang mga bridesmaids.

Dalawa naman sa mga naging groomsmen sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista.

Candle bearer si Loisa Andalio habang si Elisse Joson ang na-assign sa veil at sa cord naman si Alexa Ilacad.

Ilan naman sa mga tumayong principal sponsors sa naganap na garden wedding ceremony sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Vilma Santos-Recto, Sylvia Sanchez, Beautederm Corporation President Rei Anicoche-Tan, Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva Entertainment, Star Magic Head Laurenti Dyogi, at ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado.

Baka Bet Mo: Charlie Dizon: ‘Si Carlo ang biggest surprise talaga sa ‘kin! Ngayon ko lang na-experience…ganito pala ang may jowa talaga!’

Last week, kumalat ang chika na ngayong araw, June 9, magaganap ang wedding nina Carlo at Charlie.

Walang inilabas na kahit anong detalye ang magkarelasyon tungkol sa kanilang kasal at lalong walang nabalitang nag-propose na ang aktor sa award-winning Kapamilya actress.

Pero ang isa sa mga senyales na posibleng totoo nga ang kasalan today ay ang pagdating sa Pilipinas ng mga magulang ni Charlie na nakabase sa Los Angeles, California.

Sa isang Instagram post ni Carlo kagabi, mababasa ang kanyang sweet message para kay Charlie kalakip ang litrato nila ni Charlie na magkahawak-kamay habang nasa tila isang lake.

Napakasarap ng kanilang mga ngiti sa photo na may caption na, “Unti unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon_.”

Nag-reply naman si Charlie sa post ni Carlo ng “I love you,” with matching heart at teary-eyed emojis.

Sa isang panayam ng veteran showbiz columnist na si Gorgy Rula kay Charlie sa naganap na 47th Gawad Urian kagabi, June 8, kung saan itinanghal na Best Actress ang dalaga para sa pelikulang “Third World Romance” katambal si Carlo, hindi niya sinagot nang diretsahan ang tanong about the wedding.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang usisain ang aktres kung bakit umuwi sa Pilipinas ang kanyang parents, ang maikling sagot ni Charlie ay, “Dahil gusto po nila.”

Ilang beses nang na-meet ni Carlo ang mga magulang ni Charlie sa Amerika kaya posibleng doon naganap ang pamamanhikan at engagement.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending