Charlie Dizon: 'Si Carlo ang biggest surprise talaga sa 'kin! Ngayon ko lang na-experience...ganito pala ang may jowa talaga!' | Bandera

Charlie Dizon: ‘Si Carlo ang biggest surprise talaga sa ‘kin! Ngayon ko lang na-experience…ganito pala ang may jowa talaga!’

Ervin Santiago |August 16,2023
facebook
share this

Charlie Dizon: ‘Si Carlo ang biggest surprise talaga sa ‘kin! Ngayon ko lang na-experience…ganito pala ang may jowa talaga!’

Ervin Santiago - August 16, 2023 - 07:18 AM

'Si Carlo ang biggest surprise talaga sa 'kin, as in! Ngayon ko lang na-experience yung ganito pala ang may jowa talaga!'

Carlo Aquino at Charlie Dizon

HINDI napigilang maging emosyonal ng celebrity couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon habang nagkukuwento tungkol sa kanilang relasyon.

Ayon sa magdyowa, hindi pa nila kailanman naramdaman ang klase ng pagmamahal at pagrespeto na natatanggap nila sa isa’t isa.

Sa guesting nina Carlo at Charlie sa “Magandang Buhay” kahapon ay natanong sila kung may gusto na silang baguhing ugali sa bawat isa, parehong wala ang kanilang sagot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)


Dito na nga medyo naging emosyonal ang aktor dahil ang pagmamahal daw sa kanya ni Charlie ay hindi nangangailangan na siya ay baguhin.

“Kasi nga ganu’n siya sa akin. At saka ‘yung mas love na ibinibigay niya sa akin ‘yung mas nangingibabaw. Feeling ko mahal niya ako talaga, ‘yun yung pakiramdam,” sabi ni Carlo sabay sabing hindi niya naranasan noon ang nararamdamang pagmamahal sa aktres.

Pagbabahagi naman ni Charlie, “For me si Carlo ang biggest surprise talaga sa akin, as in. Kasi nu’ng una iwas na iwas sa akin.

“Before parang hindi ko talaga ini-expect ang timing niya and all. Pero parang first time ko na feel na ‘ah bakit open ako ngayon?’ parang ganu’n.

Baka Bet Mo: Carlo Aquino kinumpirmang ‘dating’ na sila ni Charlie Dizon

“Tapos parang siya lang talaga rin ‘yung nakagawa nu’n. I mean nagkaroon din ako ng relationship before tapos hindi ganito, as in totally different. Ibang-iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)


“So parang ngayon ko lang na-experience na ganito pala ‘yung may jowa talaga ‘yung ganu’n,” ang naluluha na ring pahayag ng dalaga.

Sey naman ni Carlo, “At saka may nakita rin ako sa social media na hindi raw palaging 50-50 ‘yung kayang ibigay everyday sa isang relationship.

“Ako minsan kaya ko ay 20 lang, so kailangan ang partner mo ang ibigay ay 80% ganu’n. At ‘yun ang nararamdaman ko sa amin,” dugtong pa niya.

Nang ilarawan ang nararamdaman nila ngayong bilang lovers, “Super, super happy,” sey ni Charlie.

“At saka feeling ko nagta-translate din ‘yon sa akin ha, kung paano ako towards other people na mas welcoming, mas warm,” hirit naman ni Carlo.

Nang ipa-describe naman kay Charlie ang kanyang boyfriend, “Si Carlo po ay very maalaga siya sa lahat ng mga tao sa paligid niya. Kapag ikaw ang kasama niya ay sobrang giving siya sa needs ng kasama niya. Parang alam na niya kaagad ang mga needs ko.”

Paglalarawan naman ni Carlo kay Charlie, “Mayroon kaming parang ano, parang everyday, kahit paano phone call, ‘yung love deposit. Parang kapag kulang ang lambing mo for the day, ‘kailangan ko ng love deposit pagod ako.’ Siya (nagsasabi).”

“Ako po, kasi minsan inaasar ko siya na ‘kulag ka pa sa deposito mo,'” sey naman ng dalaga.

Singit ni Carlo, “Ganu’n siya, hindi siya nagkukulang sa pagmamahal.”

Bida ang magdyowa sa kauna-unahan nilang pelikula together, ang “Third World Romance” na showing na ngayon sa mga sinehan.

Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: ‘May mga taong naninira… sana respeto na lang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending