Carlo, Charlie ikakasal daw today, parents ng aktres nasa Pinas

Carlo, Charlie ikakasal daw today, parents ng aktres dumating sa Pinas

Ervin Santiago - June 09, 2024 - 07:50 AM

Carlo, Charlie ikakasal daw today, parents ng aktres dumating sa Pinas

Carlo Aquino at Charlie Dizon

KALAT na ang chika na ngayong araw, June 9, magaganap ang wedding ng celebrity couple Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Walang inilabas na kahit anong detalye ang magkarelasyon tungkol sa kanilang kasal at lalong walang nabalitang nag-propose na ang aktor sa award-winning Kapamilya actress.

Pero ang isa sa mga senyales na posibleng totoo nga ang kasalan today ay ang pagdating sa Pilipinas ng mga magulang ni Charlie na nakabase sa Los Angeles, California.

In fairness, kung totoo ngang ikakasal na ang dalawa ngayong araw ay napakagaling nilang magtago ng sikreto.

Pero ayon nga sa kasabihan, walang lihim na hindi nabubunyag kaya naman usap-usapan na ngayon ng mga Marites ang magaganap na wedding.

Baka Bet Mo: Carlo handa nang pakasalan si Charlie, pero fake news ang ‘proposal’

Sa isang Instagram post ni Carlo kagabi, mababasa ang kanyang sweet message para kay Charlie kalakip ang litrato nila ni Charlie na magkahawak-kamay habang nasa tila isang lake.

Napakasarap ng kanilang mga ngiti sa photo na may caption na, “Unti unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon_.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)


Nag-reply naman si Charlie sa post ni Carlo ng “I love you,” with matching heart at teary-eyed emojis.

Sa panayam ng veteran showbiz columnist na si Gorgy Rula kay Charlie sa naganap na 47th Gawad Urian kagabi, June 8, kung saan itinanghal na Best Actress ang dalaga para sa pelikulang “Third World Romance” katambal si Carlo, hindi niya sinagot nang diretsahan ang tanong about the wedding.

Nang usisain ang aktres kung bakit umuwi sa Pilipinas ang kanyang parents, ang maikling sagot ni Charlie ay, “Dahil gusto po nila.”

Baka Bet Mo: Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: ‘May mga taong naninira… sana respeto na lang’

Ilang beses nang na-meet ni Carlo ang mga magulang ni Charlie sa Amerika kaya posibleng doon naganap ang pamamanhikan at engagement.

Kung matatandaan, nabalitang nag-propose na si Carlo kay Charlie matapos mapansin ng netizens ang kumikinang na singsing na suot ng aktres sa ilang events.

Todo tanggi si Carlo that time na engaged na sila ng Kapamilya actress at siya ang nagbigay ng bonggang singsing na suot ni Charlie.

“Hindi galing sa akin ‘yun. Hindi ko alam,” ang natatawang sey ni Carlo nang makachikahan ng ilang members ng showbiz press sa pa-thanksgiving ng Beaut­éderm Corporation sa Angeles, Pampanga, kasabay ng Chinese New Year.

Kasama ni Carlo si Charlie sa naturang event kaya natanong din siya about the ring. Aniya, “Singsing ko po ito.” Na sinang-ayunan nga ni Carlo sabay sabing baka raw “nananaginip” lang yung nagpakalat ng naturang chika.

Super happy daw siya sa relasyon nila ni Charlie pero hindi niya masasabi na ultimate happiness na ang nararamdaman niya ngayon.

“Ayaw kong sabihing umaapaw eh, kasi palaging meron pang magpapasaya sa ’yo sa buhay na ito hangga’t hindi pa natatapos,” sabi ng aktor.

“Masaya kami ni Charlie. Nandoon ako. Saka hindi ako, ‘wag ka masyadong excited’ kasi hindi pa tapos ‘yung buhay mo. May biglang manggugulat sa ’yo diyan,” aniya pa.

Ibang-iba raw talaga si Charlie bilang Girlfriend, “Palaban kasi, eh. Palaban sa tamang paraan. At saka ang gaan, ang sarap tumawa. Naririnig niyo naman kapag tumatawa. Saka kapah may problema, uupuan, pag-uusapan nang maayos.

“Nag-aaway (din naman kami) pero napag-uusapan nang maayos. ‘Yun naman ‘yung pinakaimportante, maglalakad kami, lalabas kami, pag-uusapan namin,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oh, well, abang-abang na lang tayo today mga ka-BANDERA at ka-Marites all over the universe kung tuloy ang kasalang Carlo at Charlie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending