Carlo handa nang pakasalan si Charlie; fake news ang 'proposal'

Carlo handa nang pakasalan si Charlie, pero fake news ang ‘proposal’

Ervin Santiago |February 12,2024
facebook
share this

Carlo handa nang pakasalan si Charlie, pero fake news ang ‘proposal’

Ervin Santiago - February 12, 2024 - 11:33 AM

Carlo handa nang pakasalan si Charlie, pero fake news ang 'proposal'

Carlo Aquino at Charlie Dizon

FAKE news ang kumalat na balita sa social media na nag-propose na si Carlo Aquino sa kanyang girlfriend na si Charlie Dizon.

Nag-ugat ito nang mapansin ng mga netizens ang kumikinang na singsing na suot ni Charlie sa ilang events. Feeling ng kanyang mga fans, engagement ring na ito.

Todo tanggi si Carlo na engaged na sila ng Kapamilya actress at siya ang nagbigay ng bonggang singsing na suot ni Charlie.

“Hindi galing sa akin ‘yun. Hindi ko alam,” ang natatawang sey ni Carlo nang makachikahan ng ilang members ng showbiz press sa pa-thanksgiving ng Beaut­éderm Corporation nitong Sabado sa Angeles, Pampanga, kasabay ng Chinese New Year.

Baka Bet Mo: Charlie Dizon: ‘Si Carlo ang biggest surprise talaga sa ‘kin! Ngayon ko lang na-experience…ganito pala ang may jowa talaga!’

Kasama ni Carlo si Charlie sa naturang event kaya natanong din siya about the ring. Aniya, “Singsing ko po ito.” Na sinang-ayunan nga ni Carlo sabay sabing baka raw “nananaginip” lang yung nagpakalat ng naturang chika.

Ngunit hindi pa masabi ng binata kung magaganap this year ang proposal at ang kasal nila ni Charlie. Malalaman at malalaman din naman daw ito ng kanilang supporters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)


Super happy daw siya sa relasyon nila ni Charlie pero hindi niya masasabi na ultimate happiness na ang nararamdaman niya ngayon.

“Ayaw kong sabihing umaapaw eh, kasi palaging meron pang magpapasaya sa ’yo sa buhay na ito hangga’t hindi pa natatapos,” sabi ng aktor.

“Masaya kami ni Charlie. Nandoon ako. Saka hindi ako, ‘wag ka masyadong excited’ kasi hindi pa tapos ‘yung buhay mo. May biglang manggugulat sa ’yo diyan,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Charlie Dizon sa mga nangnenega sa relasyon nila ni Carlo Aquino: Masaya kami

Ibang-iba raw talaga si Charlie bilang Girlfriend, “Palaban kasi, eh. Palaban sa tamang paraan. At saka ang gaan, ang sarap tumawa. Naririnig niyo naman kapag tumatawa. Saka kapah may problema, uupuan, pag-uusapan nang maayos.

“Nag-aaway (din naman kami) pero napag-uusapan nang maayos. ‘Yun naman ‘yung pinakaimportante, maglalakad kami, lalabas kami, pag-uusapan namin,” aniya pa.

Nang matanong kung may plano na sila ni Charlie sa darating na Valentine’s Day, “Wala, eh. Ang dami kasing lumalabas, eh. Ang daming tao, ang traffic. Kesa ma-relax ka, mag-date, kaka-stress ‘yung traffic.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nagkomento naman na huwag na huwag na raw makisali sina Carlo at Charlie sa mga celebrity couple na naghihiwalay sa showbiz. “Naku, hindi talaga,” ang natawang paniniguro ni Carlo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending