Dominic gustong maka-8 anak kay Bea, namimili pa kung anong theme ng wedding; sinigurong imbitado si John Lloyd
KUMIKINANG-KINANG ang suot na engagement ring ng Kapuso actress na si Bea Alonzo nang makachikahan siya ng showbiz press kahapon.
Proud niyang ipinakita sa amin ang singsing na ibinigay sa kanya ng fiancé na si Dominic Roque habang pinipiktyuran ng members ng entertainment media.
Nakachikahan ng media si Bea sa presscon kung saan ipinakilala siya bilang celebrity endorser ng Philippine Statistic Authority para sa Census Agriculture and Fisheries na magaganap ngayong September, 2023.
View this post on Instagram
Kinumusta si Bea kung ano na ang next plan nila ni Dominic after the proposal, “Sa ngayon ang daming nagtatanong at nagte-text sa akin kung ano na ang plano sa wedding namin.
“Pero, kasi nag-uusap kami ni Dom, pinoproseso pa namin ang pakiramdam ng bagong engaged. Parang wala pa kasing dalawang linggo ang nakalipas.
“Alam naming hindi namin mababalikan ‘yung feeling na ganito. Ayaw muna naming ma-stress sa wedding planning. Wala pa kaming nakukuhang wedding planner din, as in wala pa talaga at all,” pahayag ni Bea na super glowing at blooming ngayon.
Patuloy pa niyang chika, “Ang ginagawa lang namin ngayon ay to watch mga wedding video. Manood ng mga recent wedding na sunud-sunod and get inspired.
“Makakuha ng tips kung sakaling magpaplano na kami. Sa ngayon wala pa, gusto muna naming i-enjoy ‘yung pagiging engaged namin,” dugtong pa niya.
Baka Bet Mo: Sarah, Matteo nakabili na ng napakalawak na farm sa Laguna: ‘Gusto nilang bumuo ng mundo na kanilang-kanila lang’
May naiisip na ba sila ni Dom about sa theme ng kanilang wedding? Posible bang maging farm wedding ito dahil nga masyado na siyang in love sa farming life na siyang dahilan kung bakit siya kinuhang ambassador ng Philippine Statistic Authority para sa Census Agriculture and Fisheries.
View this post on Instagram
“Naku, si Mama magugustuhan ‘yan, pangarap niya talaga ‘yan. Hindi pa talaga namin napapag-usapan ‘yan.
“Ang hilig lang namin ay mag-browse ng mga photo, ng beach wedding, minsan cliff, minsan farm. Ngayon gusto lang naming kiligin na iisipin muna kung ano ang dapat,” nakangiting sey pa ni Bea.
“But definitely, intimate wedding lang. Kasi alam n’yo kahit ano man ang gusto namin ay dapat may consideration dahil may mga kamag-anak kami at bisita. Marami kaming idea sa mind pero hirap mag-share baka kasi hindi matuloy,” pagbabahagi ni Bea.
Sa tanong kung handa na ba siyang maging Mrs. Dominic Roque, “Oo naman, hindi naman ako magye-yes kung hindi pero hindi pa namin alam talaga kung kailan.”
Tungkol naman sa pagkakaroon ng baby, “Ang gusto talaga ni Dom walo pero sabi ko paano eh, 35 na ako. Ha-hahaha!”
Nabanggit din niya siguradong imbitado sa kasal nila ni Dom ang kaibigan at ka-loveteam niya noon si John Lloyd Cruz, “Oo naman si John Lloyd, hindi naman mawawala siya sa guest list. Sa totoo lang, isa sya sa nag-congratulate sa akin.
“Sinabi niya na masaya siya para sa akin. Siyempre, hindi siya mawawala dahil sabay kaming lumaki at nag-mature sa showbiz,” chika pa ni Bea.
Samantala, kasabay ng pagsasagawa ng census ngayong taon para mangolekta ng information sa mga household, operator at barangay na involved sa agriculture and fisheries, ipinakilala nga si Bea bilang bagong ambassador ng naturang sektor.
“The 2022 Census of Agriculture and Fisheries (2022 CAF) of the PSA will help understand the challenges faced by fisheries and farming especially since the country experiences a lot of natural disasters such as typhoons, among others,” ayon kay Deputy National Statistician Minerva Eloisa Esquivias.
The PSA is tasked to collect data on the agricultural and fishery sectors in the country to help officials make policies and decisions to improve the sectors nationwide.
The census will begin in September this year and would deploy some 20,000 census supervisors and enumerators. At ginagawa ang census every 10 years.
“Data to be collected include inventory of agriculture and fishery resources, information on the kinds of crops planted and the area size of farms, kinds of animals or species in farms and aqua-farms, and more,” sabi pa ng ahensiya.
Paliwanag naman ni Esquivias sa pagkuha kay Bea bilang CAF official endorser, “We want to achieve ‘yung mileage, information, education campaign dito sa ating census.
“As you know, we are not really, when we go to each of the houses during census time, not all respondents are so welcoming. With Bea here, she will help us,” aniya pa.
Sey naman ni Bea na isang proud farm owner sa Iba at Botolan, Zambales, “Alam ko po mga challenges ng farming. Masamang panahon, bagyo po talaga, minsan bigla na lang may babagsak na mga puno, minsan po mataas ang presyo ng binhi. So yun po challenges sa pagiging farmer.”
Kaya bang tumira ni Bea sa farm kapag wala na siya sa showbiz?
Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.