Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami | Bandera

Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami

Ervin Santiago |April 30,2021
facebook
share this

Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami

Ervin Santiago - April 30, 2021 - 04:30 PM

NAGDESISYON na ang celebrity couple na sina Neri Naig at Chito Miranda na manirahan na sa nabili nilang farm house very soon.

Ayon sa aktres, isa sa mga rason kung bakit mas gusto niya ngayong tumira sa farm kasama ang kanyang pamilya ay para na rin sa healthier lifestyle.

Nag-post si Neri ng litrato ng bago nilang property sa Instagram na may caption na, “Miranda’s Farm House…. soon! We decided na tumira na talaga sa farm dito pa rin siyempre sa Alfonso.

“Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulay at dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin ko sa pagtutuyo ko,” pahayag ng misis ni Chito.

Balak din nilang mag-asawa na magtayo ng poultry farm doon at mag-alaga ng mga baka.

“Mag aalaga kami ng mga manok para everyday may fresh eggs kami. Hindi ko alam kung kaya pang mag alaga ng baka para may fresh milk, ayun kase request ni Miggy at pig daw. Nasarapan sa lechon,” pahayag ng aktres. Ang Miggy na tinutukoy ni Neri ay ang anak nila ni Chito.

Aniya pa, “Dito rin titira nanay ko, lagyan namin sya ng room nya na diretso na sa garden. Mas hahaba ang buhay ng nanay ko kapag nagtatanim at napapaligiran ng halaman.

“At least pwede syang mag ikot ikot sa farm na di kami matatakot kung mahahawa ba sya ng virus.

“Maglalagay din kami ng isa pang room para sa in laws ko naman kapag magbakasyon sila. Maganda rin na lalaki si Miggy na napapaligiran ng mga lola at lolo,” sabi pa ng aktres.

Ayon kay Neri, ang kanyang pamilya talaga ang biggest motivation niya sa pagpupursige sa buhay at makamit ang lahat ng pangarap nila ni Chito para sa anak.

“Kaya kayod ng kayod laaaaang. Napapagod, magpapahinga lang, pero NEVER susuko. Para sa pamilya, go lang!

“Ayan ang greatest motivation ko, ang pamilya ko. Masarap mangarap at unti unting tinutupad kasama

“Thankful ako sa lahat ng Team Wais members, distributors, resellers, Team Wais Production Staff, Team Wais Admin, my TMI family, sa lahat ng brands at companies na naniniwala sa akin hanggang ngayon, sa lahaaaat ng bumibili ng mga tinitinda namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thaaaaaaaaank you! Tinutupad nyo po ang mga pangarap namin, kaming mga tindera po na patuloy na nangangarap at kumakayod para sa pamilya,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending