Sarah, Matteo nakabili na ng napakalawak na farm sa Laguna: 'Gusto nilang bumuo ng mundo na kanilang-kanila lang' | Bandera

Sarah, Matteo nakabili na ng napakalawak na farm sa Laguna: ‘Gusto nilang bumuo ng mundo na kanilang-kanila lang’

Reggee Bonoan |March 29,2022
facebook
share this

Sarah, Matteo nakabili na ng napakalawak na farm sa Laguna: ‘Gusto nilang bumuo ng mundo na kanilang-kanila lang’

Reggee Bonoan - March 29, 2022 - 04:54 PM

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo super enjoy sa pangangabayo

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

NAKABILI na pala ng malawak na farm sa Laguna ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kaya pala may mga post sa kanyang Instagram account ang aktor na nakasakay sila sa kabayo at nililibot ang lugar na punumpuno ng mga punong kahoy.

Marahil ito ang birthday gift ni Matteo sa sarili dahil nagdiwang siya ng kanyang ika-32 kaarawan nitong Marso 26.

Kinumpirma naman ito nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programa nilang “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 News FM, “Saksi ka (Romel) alam mo ito na bumili po ng farm sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Palagay ko ‘yung naka-post na nangangabayo sina Sarah doon na ‘yun, ano?”

“I’m sure, iniikot na nila ‘yung lugar,” sagot ni Romel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


“Ayan (sabay pakita ng video na nangangabayo ang dalawa). ‘Yan naman talaga ang pangarap nina Matteo at Sarah.

“Gusto nilang magbuo ng mundo na kanilang-kanila lang. O, ang saya-saya ng mag-asawang ‘to na wala kahit anong isyu,” sabi ni ‘Nay Cristy.

Sabi ni Romel Chika, “At saka si Sarah ‘Nay nae-explore na niya ang buhay niya, nakakatuwa.”

“Ang post nga ng kanilang mga tagahanga, ‘at least marunong ka (Sarah) nang sumakay sa kabayo ngayon,’” say pa ng batikang manunulat at host.

Nagbalik-tanaw pa ulit si ‘Nay Cristy na dati ay hindi nakakatikim ng ice cream ang singer-actress dahil ipinagbabawal ng ina. Makaaapekto raw kasi ito sa boses niya, pero kapag hindi nakatingin ay pinatitikim naman siya ng ilang taong nagmamalasakit sa kanya.

“Ano ‘tong taong ‘to matagal na pinagdamutan ng mga bagay-bagay na dapat ay kakambal sa page-edad ng isang tao. Na-deprive siya,” saad ni Nanay Cristy.

Dugtong ni Romel, “Kaya si Matteo ‘Nay ini-introduce kay Sarah na dapat ganito, dapat maranasan mo ‘to.”

Ibinuking na napakalawak ng nabiling farm ng mag-asawa base rin sa video. Tila nasa lima hanggang 10 ektarya ang lupang ito dahil may mga bundok-bundok pa na inaakyat sa pangangabayo nila.

Sabi nga ni Nanay Cristy, “Napakalawak ng farm na ito na tiyak na pag-iibayuhin nila ito para ito ang puntahan nilang mag-asawa. Naku, magtatanim sila diyan ng iba’t ibang punong kahoy, baka mag-alaga rin sila ng mga itik at bibe. Pero hindi nila pababayaran sa guwardia kapag may namatay, charot!”

Naging running joke ang itik at bibe na alaga raw dati ng ina ni Sarah na ibinebenta rin at kapag may namamatay ay pinababayaran sa guwardiya kasi hindi nabantayang maigi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, biruan langvnaman iyon at puwedeng hindi naman totoo.

Matteo Guidicelli sinagot ang pregnancy rumors tungkol kay Sarah: Ang sexy nga ng asawa ko!

Matteo solid Popster pa rin kahit asawa na si Sarah: I am very, very proud of you!

Kim nakabili ng ‘secret hideout’ sa kaunting ipon: Dito ako nagmumuni-muni…parang bahay-bahayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending