Secret fantasy ni Enchong, 'kinky stuff' sa eroplano; Erich 4 ang gustong anak | Bandera

Secret fantasy ni Enchong, ‘kinky stuff’ sa eroplano; Erich 4 ang gustong anak

Reggee Bonoan |March 28,2021
facebook
share this

Secret fantasy ni Enchong, ‘kinky stuff’ sa eroplano; Erich 4 ang gustong anak

Reggee Bonoan - March 28, 2021 - 03:39 PM

PARA hindi mainip sa biyahe papuntang shooting sina Enchong Dee at Erich Gonzales ay nakaisip sila ng content para sa kanilang EnRich Originals YouTube channel na ang title ay “Questions We’ve Never Asked Each Other.”

Unang tanong ni Erich kay Enchong, “What’s the naughtiest thing you’ve ever done in your life?”

“Mga Echong’s personal stories.  Lahat ng nangyayari sa kuwarto,” tumatawang sagot ng aktor na kinulit ng aktres kung ano at nang banggitin ay in-edit naman.

“Sige ‘wag na nating banggitin,” sabi ng dalaga.

“When was the last time you cried and why did you cry?” ang sunod na tanong sa aktor.

“Meron akong nakita sa Instagram na video ‘yung 90-year old dad na nagkaroon siya ng hearing sa fiscal because over speeding siya.

“Tinanong nu’ng judge bakit siya over speeding. Sabi nu’ng grandpa, ‘hindi po ako masamang tao, nagkataon lang na kailangan kong dalhin sa dialysis (center) ‘yung anak ko.’

“Because ‘yung anak niya parang nasa 70’s or late 60’s baldado at hindi makapag-drive kaya kailagang ipag drive kasi emergency na siyempre pag emergency kailangan mong maging mabilis.

“Sabi nu’ng judge, you’re a good man sir, cancelled na ‘yung case niya kasi maganda ‘yung dahilan niya. So nu’ng napanood ko ‘yun (naiyak) ako kasi you have to understand the person,” seryosong kuwento ni Enchong.

Tanong ulit sa binata, “What is your biggest and most secret fantasy?”

“Mile high club (people who’ve had sex during a flight),” sagot nito.

“Ano ‘yun Chong?” tanong agad ni Erich. “You do kinky stuff sa eroplano. Ha-hahaha!” natawang sabi ng aktor.

Namula naman ang dalaga at nagtakip ng mukha, “Ikaw, e! I’m sure ‘yan ang mga hinihintay mong sagot,” sabi ni Enchong sa kaibigan.

“Hindi ko naman ini-expect ‘yan mga ganyan Chong. Taman naman, nagtanong ako,” sambit ng aktres.

Narito naman ang mga tanong ni Enchong kay Erich. Una, “Ilang kids ang wish mo kapag nag-start ka ng family.

“Kasi tatlo kami di ba, Kuya, ate at ako ‘yung bunso. Feel ko siguro dalawa lang kasi mahirap ang buhay. Ayaw ko naman ng isa lang siya kasi sad naman ‘yun.  Pero siyempre kung ano ang ibigay ni God. Pero siguro max na ang apat,” sabi ng aktres.

“Will you allow me to be a godfather one of your kids?” “Automatic ‘yan Chong. Someone like you na anything happens nandiyan ka para magmahal,” katwiran ni Erich.

“Would you settle in the province or here sa Manila?” “It doesn’t really matter kung saan ako magse-settle as long as kasama ko ‘yung tamang tao.

“Siyempre dapat pareho kami kung saan niya gusto, hindi lang naman ako ‘yun (pipili). Pero kung tatanungin mo naman ako, mas gusto ko probinsya. Pero siguro pareho, may bahay kayo sa city at sa probinsya para mag-relax,” pahayag ng aktres.

At ang mga gustong pangalan ng mga anak ni Erich ay, “Samanta, Georgia, Alexa, Alexis mga ganyan, puwede ring panlalaki.”

Hirit ni Enchong, “Pero hindi naman ‘yung super weird like Sampaguita, Kalachuchi.”

“Puwede! Maganda ah. Kalaluchi Rosas o Rosa Kalaluchi,” sabi ng aktres.

“Rosas Kalaluchi Gonzales, sure ka,” sabay lingon ng binata sa kaibigan.

Para kay Enchong, gusto niya na hindi karaniwan ang mga pangalan tulad ng Truth, Crispy, or Universe para kunwari teacher siya o kaya nagwo-work na siya, tatawagin siyang Miss Universe.

Ang next na question kay Erich, “Would you allow your kid to survive, or will you save yourself.”

“Ako definitely save the baby kasi di ba, ang purpose ko sa buhay is to become a mom pero siyempre kung mangyari man ‘yan, parang I have so much love to give. Save the baby talaga wala ng patumpik-tumpik,” sagot ng dalaga.

Balik-tanong ng aktor, “Paano kung puwede ka namang mag-anak uli?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“No, save the baby talaga, sasabihin ko ‘yan sa doktor. Ang sad naman ng tanong mo pero huwag naman po sana Lord,” diin ni Erich.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending