Agot sa mga beki at lesbian: Kung nirerespeto mo ang sarili mo rerespetuhin ka rin ng ibang tao
Agot Isidro
WALANG issue sa veteran actress at singer na si Agot Isidro kung magkaroon man siya ng beki o tomboy na anak.
Kahit hindi pa siya nagiging nanay, naniniwala ang Kapamilya actress na kahit ano pa ang maging gender ng magiging anak niya ay mamahalin at tatanggapin niya ito nang buong-buo.
Sa nakaraang virtual mediacon ng ABS-CBN para sa bagong iWantTFC original series na “Love Beneath the Stars” (sequel ng hit movie na “The Boy Foretold By The Stars), natanong ang cast members kung ano ang magiging reaksyon nila sakaling umaming member ng LGBTQIA+ community ang anak nila tulad ng mga pangunahing karakter sa serye.
“Actually okay lang sa akin. I have three brothers but two of them are gay. And my parents are so open and nu’ng nag-out yung isa sabi ng parents ko, ‘Alam naman namin yan.’
“So, parang there was no need for them to be formally coming out. So ako cool na cool ako diyan. At saka I have a lot of friends from the LGBT community and I love them all,” sagot ni Agot.
Chika ng aktres, napakaraming life lessons ang hatid ng “Love Beneath the Stars” na pinagbibidahan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson, lalo na sa mga manonood na may mga kapamilyang bading o lesbian.
Nang hingan ng mensahe para sa mga LGBTQ members, sey ni Agot, “Respect for yourself, fight for what you want and for who you are, be proud of who you are.
“Respeto lang yan eh. Respeto sa kapwa, sa choices ng lahat. Kasi it’s your right to be who you are and just stand up for it and love yourself. Makikita naman yan later on ng mga tao. Kung nirerespeto mo ang sarili mo rerespetuhin ka nila,” aniya pa.
Samantala, gaganap si Agot sa “Love Beneath the Stars” bilang nanay ni Adrian who is playing Dominic in the series na masyadong dominante.
“Hindi naman ako kontrabida. Ako lang siguro nagre-represent du’n sa mga close-minded na mommy. Yung traditional, makitid ang ano, yung hindi sila sanay siguro na ganu’n.
“Tapos meron silang parang mga hinahangad para sa kanilang mga anak. Meron na silang idea na yung anak ko gusto ko ganito.
“So pag hindi nangyari parang gumuguho yung mundo nila tapos parang they take it against the child. Na-set na yung mind niya na ganu’n si Dominic tapos parang siyang tiger mom, yung kailangan achiever, kailangan number one.
“Yung may ganu’ng pressure. Maraming ganun eh. So sana makita nila na huwag namang i-pressure yung mga anak ng ganu’n,” kuwento pa ng aktres at singer.
Ang “Love Beneath the Stars” ay isinulat at idinirek ni Dolly Dulu. Kasama rin dito sina Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Silayan, at Iyah Mina. Mapapanood na ito sa iWantTFC simula sa Aug. 16.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.