Heart kontra sa pagreregalo ng hayop tuwing holiday season: ‘Buhay yun, eh’
NAGPAALALA ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa lahat ng mga magreregalo ng hayop ngayong holiday season.
Ayon sa wifey ni Sen. Chiz Escudero, hindi siya sang-ayon sa pagbibigay ng pet animals bilang regalo lalo na sa pagse-celebrate ng Christmas at New Year.
May nakakarating daw kasi sa kanyang mga balita na maraming nag-aampon at nagbibigay ng mga alagang aso at iba pang klase ng hayop kapag holiday season.
“I’m really against that. Ako, hindi ko maintindihan kahit ‘yung sa simpleng birthday party na merong rabbits na ipinamimigay or animals na ipinamimigay.
“Kasi buhay ‘yun eh, kailangang maging choice ‘yun ng kung sino man ang kukuha na mabigyan ng magandang buhay ang aso o ang pet na ibinibigay sa kanila,” paliwanag ni Heart sa panayam ng GMA.
Baka Bet Mo: Pia may bagong hugot sa personal life: I’m writing this, not to be paawa…
“So, dapat choice nila ‘yun. It never should be a gift,” ang mariin pang sabi ng Kapuso star at international social media at digital influencer.
Lahad pa ni Heart, may mga bagay na dapat ikunsidera kapag tumatanggap ng hayop bilang regalo pati na ang pagbili o pag-aampon.
View this post on Instagram
“Unless matagal na talagang gusto ng pamilya, ng anak na magkaroon ng aso, at whether maalagaan ng bata or not, the parents would be 100% there. So yes, okay.
Baka Bet Mo: Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: ‘Amaccana accla’
“But you always have to adopt a pet for the right reasons,” paalala pa ng aktres.
Samantala, nag-share rin si Heart ng ilang tips sa mga may pet animals para sa pagdiriwang ng Bagong Taon lalo na sa oras ng putukan.
“Usually kapag ganyan, talagang mine-make sure namin they’re in a room, naglalagay din kami ng towels as much as possible sa mga butas ng pinto.
“We try to make the room as soundproof as possible,” sey ni Heart.
“Pero the reality is hindi rin siya 100 percent soundproof. So as long as they are with their loved ones at mga kasama sa bahay at lagi silang pine-pet, just keep them calm, that’s the best thing you could do.
“But hindi dapat sila ‘yung nakatali o nakakulong sa labas,” paalala pa ng Kapuso star.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.