Heart Evangelista sa mga traydor: Sobrang sakit…they killed me!
SINISISI ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyang sarili kung bakit nabiktima siya ng mga taong plastik at traydor.
Napakasakit ng pag-iyak ni Heart nang mag-open up siya tungkol sa isang bahagi ng kanyang buhay kung saan mismong ang mga taong pinagkatiwalaan niya ang nanakit sa kanya.
Sa nakaraang episode ng “Heart World”, inamin ng wifey ni Sen. Chiz Escudero na until now ay parang hindi pa rin niya napapatawad ang sarili sa mga nangyari.
“She had no idea what was coming for her. I really felt like maybe to a point na minsan hanggang ngayon, ‘di ko pa rin ma-forgive ‘yung sarili ko kasi at the end of the day, kahit sila ‘yung mga kasama ko nu’n, ako pa rin ang gumawa,” pahayag ni Heart.
“Actually, sobrang sakit itong part na ‘to kasi I felt like I was sleeping with my most loyal soldiers, but I woke up as a ghost. They killed me in my sleep,” aniya pa.
Ang mas nakaka-hurt pa raw, itinuring na niyang mga kapamilya ang mga taong tinutukoy niya at inakalang ganu’n din ang nararamdaman ng mga ito para sa kanya — pero nagkamali siya.
“Kasi kung mapapakita ko ‘yung worst side ko sa kanila, I thought mananaig ‘yung ipinakita kong puso ko sa kanila. So ‘yun ‘yung pinakamasakit,” ang umiiyak pang pagbabahagi ni Heart.
View this post on Instagram
Emosyonal pang dagdag ng Kapuso star, “And because of what I went through, nothing, nothing will break Chiz and I.”
Sa nakaraang episode ng “Heart World” sa GMA 7, naibahagi rin ni Heart ang naging buhay niya noong kanyang kabataan at kung paano siya pinalaki ng kanyang mga magulang.
Aminado ang aktres na totoong lumaki siya sa pamilyang may kaya pero naturuan pa rin siya ng mga magulang na maging responsable at paghirapan ang mga bagay na gusto niyang makuha.
“Don’t get me wrong, ina-acknowledge ko talaga ‘yung idea na ipinanganak akong privileged. Pero siyempre dinidisiplina din kami,” sey ni Heart.
“Spoiled kami in a sense na lahat binibigay sa amin pero talagang sobrang thankful ako na ‘yung tatay ko magaling din siyang mag-disiplina,” dagdag pa niya.
Sabi pa ni Heart, nagpapasalamat siya sa kanyang mga parents lalo na sa tatay niya na nagturo na dapat lagi siyang maging grateful sa lahat ng natatanggap niyang blessings at sa tunay na kahalagahan ng hard work.
“Kailangan maging thankful ka kung anong mayroon ka. Kailangan hardworking ka.
“Iyon ang dala-dala ko, na kung may gusto ka, kailangang pagtrabahuan mo ‘yon. Kailangan ‘yung talagang alam mo na deserve mo bago mo siya makuha,” hirit pa ng Kapuso star.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.