Heart Evangelista, Pia Wurtzbach naka-unfollow na sa isa’t isa sa Instagram
MATAGAL nang usap-usapan sa social media ang hidwaan umano ng dalawang fashion influencers na sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.
Wala pa silang pahayag o kumpirmasyon kaugnay sa kumakalat na chikang ito, pero agaw-pansin sa ilang netizens na naka-unfollow na sila sa isa’t-isa sa Instagram.
Kung matatandaan, tila nagsimula ang alitan sa pagitan nina Heart at Pia last year nang kunin ng huli ang dating glam team ng una, kabilang na ang makeup artist na si Justin Louise Soriano at hairstylist na si Jeck Aguilar.
Baka Bet Mo: Rica Peralejo sa ginawang pag-unfollow ni Kath kay Daniel: ‘It’s not immaturity’
Nagkaroon ng falling out si Heart at ang glam team niya dahil sa chikang pangit daw na ugali at hindi magandang pagtrato ng fashion icon sa grupo.
Bukod dito ay nabalita ring ginamit at sinagad ang credit card limit ni Heart nina Justin at Jeck para sa personal nilang pangangailangan.
Hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na dahilan sa mga nangyaring isyu at kontrobersiya.
Pero ang huling hugot lang noon ni Heart kaugnay sa pagre-resign ng dating glam team niya ay, “Life is like that. Madami tayong pagdadaanan with our careers, with our personal life.
“But everything’s for a reason, and everything is for us to be stronger so we can face anything else in life. So, I am very happy,” wika pa ng aktres sa dating interview.
Recently lang, kumalat ang chismis na hindi nagpansinan sina Heart at Pia kahit nagkita at halos magkatabi sila sa naganap na Hermès Fashion Show.
Base sa video na napanood namin at sa ilang litratong naka-post sa socmed, nasa front seat ng venue si Heart habang kachika ang Filipino-American model na si Kelsey Merritt. Nasa likod naman ng huli si Pia.
Dahil diyan, iba-iba ang naging reaksyon ng netizens at karamihan sa mga nagkomento ay naniniwalang nagdedmahan ang dalawang fashion influencers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.