Bea Alonzo in-unfollow na si Kyline Alcantara, anyare?

Bea Alonzo in-unfollow na rin si Kyline Alcantara, anyare?

Therese Arceo - September 28, 2024 - 06:21 PM

Bea Alonzo in-unfollow na rin si Kyline Alcantara, anyare?

TILA in-unfollow na rin ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kaibigang si Kyline Alcantara sa Instagram matapos ang umano’y pag-unfollow rin ni Sarah Lahbati sa dalaga.

Nito lang ay usap-usapan sa social media ang umano’y pag-unfollow ni Sarah sa Kapuso young star at halos isang araw pa lang ang nakakalipas ay tila may kasunod na ang unfollow serye ng mga artista.

Ngayon naman ay si Bea Alonzo naman ang usap-usapan na sumunod na nag-unfollow kay Kyline.

Makikita sa post ng Fashion Pulis ang screenshot na siyang “resibo” na hindi na pina-follow ng Kapuso actress si Kyline ngunit makikitang naka-follow pa rin ang huli sa kanyang ate sa showbiz.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo na-gets na ang residency card sa Spain: Finally!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hindi naman sigurado kung ano nga ba ang dahilan sa likod ng pag-unfollow ni Bea kay Kyline o baka hindi naman talaga naka-follow ang dating Kapamilya actress sa young star.

Punung-puno naman ng pagtataka ang madlang pipol kung ano nga ba ang isyu sa pagitan ng tatlo.

Aware naman ang lahat na may mga pagkakataon na nagkakasama ang tatlo sa ilang mga gimik.

Mayroon rin naman kasing nagsasabi na baka hindi naman kasi naka-follow si Bea sa nakababatang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alam naman natin na sa panahon ngayon, basehan na ng mga netizens kung maayos ang samahan ng mga artista kapag naka-follow sila sa isa’t isa sa Instagram o sa iba pang social media platforms.

Wala pa namang iniallabas na pahayag si Bea maging si Sarah tungkol sa isyu ng pag-unfollow.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag at paglilinaw ng mga kampong sangkot sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending