Rochelle Pangilinan nabiktima ng kaibigang traydor: Masasaktan ka!
SOBRANG na-hurt ang Kapuso actress at original member ng SexBomb Dancers na si Rochelle Pangilinan sa ginawa ng isang taong itinuring pa naman niyang kaibigan.
Rebelasyon ni Rochelle, may friend daw siya na maganda ang mga sinasabi kapag magkaharap sila pero yun pala sinisiraan at tinatraydor na siya.
Sa pagsabak ng Kapuso actress sa hot seat sa weekly talkshow ng GMA 7 na “Sarap Di Ba?” ay natanong nga siya tungkol sa mga plastik at doble-karang mga kaibigan.
“May pagkakataon bang nairita ka sa isang artista dahil maganda ang ipinapakita niya sa’yo kapag kaharap ka, pero may sinasabi pala ito kapag nakatalikod ka?” ang tanong ng host na si Carmina Villarroel kay Rochelle.
“Meron,” ang diretsahang sagot ni Rochelle. Nakakarating daw talaga sa kanya ang mga pinagsasasabi at ipinagkakalat ng kanyang traydor na friend.
“Sinasabi din ng iba naming kaibigan na ginagawa niya,” aniya pa.
Sundot na tanong kay Rochelle, kung kinompronta ba niya ang tinutukoy niyang kaibigan. Sey ng aktres, yun daw ang advice sa kanya ng asawang aktor na si Arthur Solinap.
View this post on Instagram
“‘Yun ang sinasabi sa akin ni Art lagi. Parang kung kaibigan ang tingin mo sa kaniya, kausapin mo. And then, ayusin mo,” aniya.
Baka Bet Mo: Totoo nga bang si Rochelle Pangilinan ang dahilan kung bakit nabuwag ang SexBomb Dancers?
“Ang sa akin kasi, iwan mo siya hanggang mahal mo siya kaysa dinadanas mo ‘yung ganiyan, hanggang sawaan ka na tapos ma-feel mo na ah hindi ko na sila love,” ang emosyonal nang pahayag ng Kapuso star.
Na-hurt daw siya sa ginawang pagtatraydor sa kanya ng taong ito dahil naging totoo naman daw siyang kaibigan at pamilya na rin ang turing niya rito.
“Masasaktan ka ng mga taong ‘yan kapag importante sa ‘yo. ‘Yung mga taong hindi mo kilala e, kahit ano gawin nila sa ‘yo hindi ka maaapektuhan.
“Pero ‘yung mga taong mahal mo na makakagawa sa ‘yo ng masasakit, ‘yun talaga ‘yung lumilinya,” pahayag pa ni Rochelle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.