Rochelle Pangilinan matatawag na ring tunay na aktres: 'Sa totoo lang ‘yung pagsasayaw napakalaking tulong sa pag-arte' | Bandera

Rochelle Pangilinan matatawag na ring tunay na aktres: ‘Sa totoo lang ‘yung pagsasayaw napakalaking tulong sa pag-arte’

Ervin Santiago |April 12,2023
facebook
share this

Rochelle Pangilinan matatawag na ring tunay na aktres: ‘Sa totoo lang ‘yung pagsasayaw napakalaking tulong sa pag-arte’

Ervin Santiago - April 12, 2023 - 06:42 AM

Rochelle Pangilinan matatawag na ring tunay na aktres: 'Sa totoo lang ‘yung pagsasayaw napalalaking tulong sa pag-arte'

Rochelle Pangilinan

NANINIWALA ang Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan na malaki ang naitulong sa kanyang pagiging aktres ang talento niya sa pagsasayaw.

Ayon sa dating leader ng grupong SexBomb Girls, madali siyang nakapag-adjust sa larangan ng pag-arte dahil na rin sa husay niya sa paghataw sa dance floor.

“Sa totoo lang ‘yung pagsasayaw malaking tulong sa pag-arte,” ang pagbabahagi ng Kapuso star sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Paglilinaw ng celebrity mom, “Nakatulong siya, ‘yung pagsasayaw. Kasi ‘yung timing, lahat, same rin siya ng pag-arte. Sa pag-arte may role kang kailangang gampanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ganu’n din naman sa pagsasayaw, puwede kang maging sad, kung sad ang gusto mo, puwede kang sumayaw ng contemporary.

“Kung masaya ka naman, masayahin ang role mo, puwede ka namang mag hip-hop,” ang paglalarawan pa ni Rochelle sa pagiging dancer at aktres.

Patuloy pa niya, “Medyo pareho siya. Malaking tulong sa akin ‘yung pagsasayaw hanggang sa makarating ako sa pagiging artista

“‘Yung timing and kung paano mag-deliver ng lines, big help siya. Hindi ako masyadong nahirapan (sa pag-a-adjust),” katwiran pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)


In fairness naman kasi talaga kay Rochelle, kinarir naman talaga niya ang pagiging artista mula nang mawala sa eksena ang SexBomb Dancers at nahasa rin siya nang bonggang-bongga sa sariling drama anthology ng kanilang grupo na “Daisy Siete” na umere mula 2003 hanggang 2010.

Baka Bet Mo: Rochelle Pangilinan nanindigan sa kanyang kandidato: Isa rin siyang ina gaya ko

Kasunod nito, binigyan din siya ng GMA ng pagkakataon na maging versatile actress sa pamamagitan ng iba’t ibang klase ng serye, kabilang ang Darna (2005 at 2009), Amaya (2011), at Encantadia (2016).

Napapanood siya ngayon gabi-gabi sa Kapuso series na “Mga Lihim ni Urduja” na pinagbibidahan nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Feeling blessed and flattered naman si Rochelle nang banggitin sa kanya ni Nelson na isa na siya sa mga Kapuso stars na maituturing na talagang aktres.

Natigilan sandali si Rochelle sabay sabing, “Sorry beh ha, kinikilig ako noong sinabi mong ‘Aktres ka.’ Wow, thank you!”

Agree naman kami diyan dahil ilang beses na ring napatunayan ni Rochelle ang husay niya sa pagganap sa iba’t ibang mapaghamong karakter.

Rochelle ipinagluluto ang mga katrabaho sa lock-in taping: Hindi siya madali…sa mentalidad, pisikal, kaya ang pinakamasarap du’n, busog ka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Totoo nga bang si Rochelle Pangilinan ang dahilan kung bakit nabuwag ang SexBomb Dancers?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending