Rochelle Pangilinan nanindigan sa kanyang kandidato: Isa rin siyang ina gaya ko | Bandera

Rochelle Pangilinan nanindigan sa kanyang kandidato: Isa rin siyang ina gaya ko

Therese Arceo |May 05,2022
facebook
share this

Rochelle Pangilinan nanindigan sa kanyang kandidato: Isa rin siyang ina gaya ko

Therese Arceo - May 05, 2022 - 05:31 PM

Rochelle Pangilinan nanindigan sa kanyang kandidato: Isa rin siyang ina gaya ko
IBINANDERA ng dating leader ng Sexbomb at Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan kung sino ang kanyang sinusuportahang kandidato sa darating na eleksyon.

Sa kanyang Instagram post ay buong tapang niyang inilantad sa mga dabarkads ang kanyang mga naging pamantayan sa pagpili ng kanyang ibobotong kandidato kalakip ang video clip ni presidential candidate Leni Robredo.

“Ako ay isang ina. Pangunahin sa isip ko ang kinabukasan ng aking pamilya, lalo na ang anak ko,” panimula ni Rochelle.

Aniya, marami siyang ginawa gaya ng pagre-research, pagbabasa, pakikinig sa istorya ng mga tao, at nagdasal para malaman kung sino ang karapat-dapat niyang iboto.

“Bakit siya ang napagdesisyunan kong iboto ?Siya ay Maka-Diyos. Hindi sinungaling. Hindi magnanakaw. Palagi siyang may ginagawa,” pagtatapat ni Rochelle.

Dagdag pa niya, “Hindi sya puro salita. Hindi sya nagsalita ng masakit laban sa kapwa kahit masasakit na salita ang natatanggap nya.Higit sa lahat isa din syang ina kagaya ko.”

At naniniwala si Rochelle na ang mga bagay at taong importante sa kanya bilang ina ay importante rin sa pinipiling kandidato.

“Importante rin sa kanya ang mga dahilang importante sa akin, ang pamilya atang anak.”

Umani ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens ang naturang post ni Rochelle.

“Grabe talaga! Ikaw talaga ang epitome ng LABAN-LABAN! Huhuhuhu the OG SEXBOMB ROOTING FOR THE PHILIPPINES BY SUPPORTING THE BEST CANDIDATE!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, Tama nga po na ikaw ang aking idolo kasi nasa tama ang pinili mo. Mahal na mahal ka namin Ate Rochelle. Get get aww since 2005.”

“Kahit kayong mga artista pa mag-endorso kay Leni but sorry nasa puso pa din namin si BBM kahit ano pang paninira n’yo. Saka BBM-Sara na mananalo,” sey naman ng isa.

Isa si Rochelle Pangilinan sa mga artistang nagpakita ng suporta at nagdesisyong tumindig para sa kanyang ineendorsong kandidato.

Related Chika:
First impression ni Rochelle kay Arthur: Babaero at gimikero, pero…

SexBomb Aira balak manirahan sa Australia, handa nang iwan ang showbiz?

Rochelle Pangilinan iyak nang iyak nang yayaing pakasal ni Arthur Solinap

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending