First impression ni Rochelle kay Arthur: Babaero at gimikero, pero... | Bandera

First impression ni Rochelle kay Arthur: Babaero at gimikero, pero…

Ervin Santiago |October 11,2021
facebook
share this

First impression ni Rochelle kay Arthur: Babaero at gimikero, pero…

Ervin Santiago - October 11, 2021 - 08:52 AM

Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap at Baby Shiloh

SIGURADONG maraming natutunang helpful tips ang mga young and married couples sa mga ibinahaging life lesson ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Aliw na aliw kami sa guesting kamakailan ng mag-asawa sa morning talk show nina Iya Villania ay Camille Prats sa GMA na “Mars Pa More” kung saan nagkabukuhan nga ang dalawa tungkol sa kanilang married life.

Inamin nina Rochelle at Arthur na nagkakaroon din sila ng away, problema at hindi pagkakaintindihan ngunit agad din nila itong pinag-uusapan at inaayos.

Sa pagsalang nila sa segment na “Say Mo Mars? Say Mo Pars?” natanong ang Kapuso couple kung sang-ayon ba sila sa lyrics ng kantang “Martyr Nyebera” ng bandang Kamikazee.

“Ang almusal ay sigawan
Ang hapunan natin ay tampuhan
Ang miryenda pagdududa..

“Pero mahal kita
Wala nang hahanapin pang iba
Handa akong magtiis
Kahit na away, away, away na to,” ayon sa lyrics ng nasabing song.

Ani Rochelle, “Lahat ng linya doon totoo. Ninamnam ko siya, eh. At the end of the day, kayo pa rin. Mahal n’yo pa rin ‘yung isa’t isa.”

Tinanong uli ni Iya ang mag-asawa kung araw-araw ba silang nagkakaroon ng tampuhan, sey ni Rochelle, “Every other day. Ha-hahahaha!”

Hirit naman ni Arthur, “Kasi nangyari siya sa amin at gusto naming iparating (sa ibang couple) na kapag nangyari ‘yon, hindi naman agad-agad na maghihiwalay kayo. Parang kapag napagdaanan n’yo ‘yan, at least eventually ito ‘yung mangyayari after nu’n, magiging stronger na.”

“Kasi kapag dinenay mo ‘yan, imposible namang perfect (ang relationship). Walang perfect,” aniya pa.

Samantala, sa pa-game naman nina Iya at Camille na “TaranTanong”, isa sa mga sinagot ni Rochelle ay ang question na, “Alin sa mga ito ang first impression mo kay Art bago kayo naging mag-asawa? A. Babaero, B. Gimikero, C. All of the above.”

Sagot ng actress-dancer, “All of the above!” paliwanag ng dating leader ng Sexbomb Dancer, “Eh, kasi naman, ang asawa ko naman ay talaga nga namang napakagwapo.”

“Gwapo tapos may abs. Sila yung sa SOP before na kapag may tumugtog na magandang music, nagmo-model-model lang. Ako pawis na pawis kakasayaw, sila lalakad lang bayad na.

“Siyempre doon ako sa A. Una babaero kasi nililigawan ako, may nililigawan din siyang iba,” paliwanag pa ni Rochelle.

Dugtong pa niya, “Gimikero, yes, lagi kaming gumigimik. Dati, ano naman ‘yan kumbaga kabataan din. So, siyempre ang stamina mo kahit everyday kang gumimik okay lang at kaya natin mag-segue segue. All of the above,” pagbahagi ng aktres.

Pero kailan at paano nabago ang first impression niya sa asawa, “Noong minsan napaaway ako sa isang lugar na naging issue siya tapos sinundo niya ako sa airport tapos dinala niya ako sa church nila.

“So sabi ko, ‘O sige try natin’ and then ayun na naging seryosohan,” aniya pa.

Kuwento naman ni Arthur, sa simbahan niya dinala si Rochelle kahit knows niya na hindi ito naniniwala kay Lord dahil nga sa mga nangyari noon sa buhay niya lalo na sa kanyang ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So sabi ko, ‘try ko lang dalhin siya’ tapos after no’n imbis na ako yung magturo sa kanya ng Christian, siya na ngayon taga-remind sa akin. At least nagtulungan kami for the better,” pahayag pa ng Kapuso actor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending