Rochelle Pangilinan iyak nang iyak nang yayaing pakasal ni Arthur Solinap | Bandera

Rochelle Pangilinan iyak nang iyak nang yayaing pakasal ni Arthur Solinap

Ervin Santiago |February 22,2016
facebook
share this

Rochelle Pangilinan iyak nang iyak nang yayaing pakasal ni Arthur Solinap

Ervin Santiago - February 22, 2016 - 02:00 AM

rochelle pangilinan

SA wakas, nag-propose na rin ang Kapuso character actor na si Arthur Solinap sa kanyang long-time girlfriend na si Rochelle Pangilinan.

Yes, engaged na nga ang dalawa matapos ang nangyaring marriage proposal sa Balay Indang Resort sa Indang, Cavite noong Sabado ng gabi.

In fairness, seven years and six months na ang relasyon nina Rochelle at Arthur kaya naman maraming tagasuporta nila ang natuwa nang mabalitang engaged na sila.

Siguradong maligaya rin ang pamilya at mga kaibigan ng dalawang Kapuso stars dahil sa simbahan na rin matutuloy ang kanilang love story na nagsimula pa noong magkatrabaho sila sa daily series ng Sexbomb Dancers noon sa GMA na Daisy Siete.

Ayon sa mga nabasa naming kuwento sa social media super shocked daw talaga si Rochelle sa pagpo-propose ni Arthur. All along ang akala raw niya ay pupunta lang sila sa Tagaytay para sa post-birthday celebration ng kanyang boyfriend at post-Valentine’s Day celebration na rin nila.

Iyak daw nang iyak ang Kapuso actress-dancer nang bigla na lang mag-propose sa kanya si Arthur kung saan present din pala ang kanilang mga magulang, ilang malalapit na kamag-anak at kaibigan in and out of showbiz, kabilang na nga riyan ang dati niyang mga kasamahan sa Sexbomb na sina Sunshine Garcia, Aira Bermudez at Mia Pangyarihan.

Nandu’n din sa venue ang mga kasamahan ni Arthur sa sitcom na Pepito Manaloto na sina Michael V, John Feir, pati na ang mga Kapuso stars na sina Andrea Torres at Sef Cadayona. Duma-ting din ang ilang GMA executives headed by Lilybeth Rasonable.

Namataan din daw sa en-gagement party nina Rochelle at Arthur ang mga kapatid nila sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan na sina Jolina Magdangal with husband Mark Escueta and son Pele, Angelika dela Cruz kasama ang sister na si Mika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Max Collins at ang pinsan ni Arthur na si Dingdong Dantes.

Ayon kay Arthur, sa Balay Indang Resort sa Indang, Cavite niya napiling gawin ang proposal dahil dito raw nangyari ang taping ng Daisy Siete noon kung saan sila unang nagkasama.

Isang bonggang fireworks display naman ang huling regalo ni Arthur kay Rochelle nang matapos ang engagement party.

Kung matatandaan, sa huling panayam ng media kay Rochelle sa presscon ng pelikulang “Tandem” kung saan nakasama niya si JM de Guzman, sinabi ni Rochelle na medyo dyahe na siyang sagutin ang mga tanong tungkol sa pagpapakasal nila ni Arthur.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero aniya, naniniwala siyang doon na rin sila papunta dahil nararamdaman niya na pareho na silang seryoso ni Arthur na bumuo na sariling pamilya.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending