Lolit Solis naawa kay Paolo Contis: Hayaan natin siya

Lolit Solis naawa kay Paolo Contis: Hayaan natin siya

Therese Arceo - May 17, 2024 - 01:41 PM

Lolit Solis naawa kay Paolo Contis: Hayaan natin siya

NAKADAMA ng awa ang talent manager na si Lolit Solis sa kanyang alagang si Paolo Contis dahil sa mga patuloy na pambabatikos ng mga netizens.

Sa kanyang Instagram post ay ibinandera nito ang kanilang larawan ni Paolo kalakip ang kanyang opinyon sa kasalukuyang pinagdaraanan ng aktor dahil sa pang-iintriga ng madlang pipol.

“Salve naawa naman ako kay Paolo Contis na para bang nasa aquarium na gusto laging pinapanuod ng tao. Iyon kahit pa nga dapat pribado na niyang buhay talagang gusto parin kalkalin ng mga walang magawa,” saad ni Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Tutoong public figure ang artista. Pero sana naman iyon gusto nila na sila na lang ang may alam hayaan na natin.”

Baka Bet Mo: Lolit Solis guilty sa ginawa kay Bea Alonzo noon, thankful na hindi napikon

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani Lolit, kapag gusto naman daw na magbahagi ng isang artisya ng pangyayaro sa kanyang buhay ay buomg loob niya itong gagawin.

“Iyon performance nila, iyon na lang bigyan natin pansin. Isa si Paolo Contis sa pinaka mabait, propesyonal, at mahusay na artista natin.

“Sana naman iyon na lang muna tignan natin. Kung anuman ang buhay niya sa labas ng kamera, pagbigyan na lang natin siya basta maligaya siya,” sabi pa ni Lolit.

Sa mahabang panahon raw ay naging malungkot si Paolo dahil sa mga pinagdaanan nito sa buhay na hindi niya kayang ikontrol.

“Ngayon meron siyang nadarama na konting happiness hayaan natin siya na enjoy whatever it is. Kawawa naman siya kung pati iyon aagawin pa natin sa kanya.

“Let him eat his cake now and for whatever it is, enjoy. Be happy Paolo Contis, para bongga. Hayaan mo sila mainggit sa ligaya mo,” giit pa ni Lolit.

Matatandaang lately ay nagiging maingay ang pangalan ni Paolo dahil marami sa mga netizens ang nang-iintriga kung hiwalay na ba sila ng kanyang girlfriend na si Yen Santos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga nakapansin kasi na wala na sa Instagram account ng aktres ang ipinost nito noong birthday greeting para kay Paolo.

Samantala, pinili naman ni Paolo na huwag nang sagutin ang tanong nang mausisa ito ng mga reporters.

“No comment! As I always say, Masyado na kayong may alam sa buhay ko. So I’d like to keep my personal life personal,” sey nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending