Paolo never na-isyung beki: Sana 'yon na lang natsismis sa 'kin

Paolo Contis never na-isyung beki: Sana ‘yon na lang natsismis sa ‘kin

Therese Arceo |April 05,2024
facebook
share this

Paolo Contis never na-isyung beki: Sana ‘yon na lang natsismis sa ‘kin

Therese Arceo - April 05, 2024 - 11:54 PM

Paolo Contis never na-isyung beki: Sana 'yon na lang natsismis sa 'kin

TALAGA namang isa ang Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis sa mga masasabing kontrobersyal na artista sa generasyon ngayon.

Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang kaibigang si Patrick Garcia para i-promote ang kanilang movie together na “A Journey” ay nausida ang Kapuso actor kung minsan na ba nitong naranasan na matsismis bilang beki o pagdudahan ang kanilang gender.

Lahad ni Paolo, hindi raw niya naranasan ang ma-tsismis na bakla.

Kumg siya ang papipiliin ay mas gusto pa nga raw niyang ito na lang ang ma-issue sa kanya.

Baka Bet Mo: Paolo Contis masaya sa paglipat ng ‘It’s Showtime’ sa GMA

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Wala nga eh, sana nga ‘yon na lang ang natsismis sa ‘kin eh!” sagot ni Paolo kay Tito Boy.

Nagmula ito sa naitanong kay Patrick kung ano ang malalang natanggap niyang intriga.

Natamong rin si Paolo ni Tito Boy kung ano ang madalas na misconception sa kanya ng mga tao.

Sagot niya, ito raw ay ang pagiging manyak dahil wala itong katotohanan.

Bukod pa rito naging bukas rin si Paolo na minsan ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng dating niligawan na si Desiree del Valle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“There was a time na ‘yung friendship namin ni Des hindi naging OK, na nagkaroon ng point na hindi kami nagkikita sa set kahit magka-eksena kami,” lahad niya.

Hindi na  masyadong idinetalye pa ni Paolo kung ano ang dahilan kung bakit sila umabot sa ganoong sitwasyon.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending