Paolo Contis masaya sa paglipat ng ‘It’s Showtime’ sa GMA
HAPPY ang Kapuso actor at dating host ng noontime program na “Tahanang Pinakamasaya” na si Paolo Contis sa pagkakaroon ng bagong tahanan ng “It’s Showtime”.
Sa kanyang exclusive interview sa GMA News nitong Lunes, March 25, natanong ang aktor kung bukas ba siya sa posibilidad na maka-work ang mga Kapamilya hosts ng naturang noontime program.
“Oo, work is work,” maikling sagot ni Paolo.
Pagpapatuloy niya, kaibigan naman daw niya ang ilan sa mga ito lalo na ang dating Kapuso na si Ogie Alcasid na nakasama niya rin sa “Bubble Gang” ng ilang taon bago ito lumipat sa ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Paolo Contis bet mapag-isa, sad sa pagbabu ng Tahanang Pinakamasaya
Bandera IG
“And I’m very happy na mayroon silang lugar,” sey pa ni Paolo.
Noong March 7, pormal nang namaalam ang “Tahanang Pinakamasaya” sa ere dahil na rin sa desisyon ng TAPE Inc., ang produksyon ng naturang noontime program.
May mga chikang naglabasan na nagkaroon raw ng tampo si Paolo sa GMA Network dahil sa pagkawala ng “Tahanang Pinakamasaya” na kanya namang pinabulaanan.
“Nais ko lang pong magpasalamat dahil sa suporta ng GMA-7 na ibinibigay sa akin. Again, I wanna thank GMA for always supporting me, always supporting the show.
“May kumalat po na may tampo po ako sa GMA, hindi po ‘yun totoo. Pagbigyan na po natin ang nagkakalat no’n. Content po nila ‘yun, para po sa kanila ‘yun. That is not true. I love GMA and I’m very thankful to GMA. They’ve been supporting me kahit during the time kahit na ‘di ako kasupo-suporta. So walang dahilan para magtampo ako sa GMA,” ani Paolo.
Samantala, nitong Miyerkules, March 20 nang maganap ang pirmahan sa pagitang ng ABS-CBN at GMA para sa pagiging parte ng “It’s Showtime” sa Kapuso network.
Ang “It’s Showtime” ang papalit sa bloctime ng “Tahanang Pinakamasaya” at mapapanood na ito sa GMA simula April 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.