Paolo patuloy na binabarag ng bashers pero puring-puri ng mga ka-‘Bubble’
KUNG puro kanegahan at pang-ookray ang ginagawa ng mga bashers kay Paolo Contis, puring-puri naman siya ng kanyang mga katrabaho.
Walang masasabing masama sa Kapuso actor-TV host ang mga kasamahan niya sa longest-running gag show sa bansa, ang “Bubble Gang“.
Ayon sa komedyanang si Chariz Solomon, grabe ang dedication at pagpapahalaga ni Paolo sa kanyang trabaho mula noon hanggang ngayon.
Sa bawat taping daw nila ay palaging nakahanda ang boyfriend ng aktres na si Yen Santos, alam na alam na raw nito ang mga gagawin pagdating sa pagbuo ng kanilang comedy show sa GMA 7.
Baka Bet Mo: Jodi walang pinipiling katrabaho: ‘Basta ang mahalaga yung seryoso sila at professional’
“Si Paolo napaka-hands on ‘yan, nanonood pa ‘yan ng sketch. Just last taping meron siyang mga inputs doon sa sketch,” pahayag ni Chariz sa launch ng “Best Time Ever” campaign ng GMA Entertainment Group.
Sabi naman ng isa pang ka-Bubble na si Betong Sumaya, “May inputs talaga si Pao para lalong mapaganda ‘yung sketch.”
View this post on Instagram
“So very committed talaga siya to everything that we must do,” pagsang-ayon uli ni Chariz.
Samantala, sey naman ni Paolo, mahalaga para sa lahat ng cast members ng “Bubble Gang” ang pag-adapt sa “changing taste” ng mga manonood, lalo na pagdating sa comedy.
“Tulad nu’ng sinabi niya ‘yung pag-adapt dun sa bago, actually minsan nanonood ako ng lumang episodes ng Bubble Gang, mga matagal na.
Baka Bet Mo: Ria Atayde puring-puri ng mga fans ni Zanjoe Marudo: ‘Simpleng babae… maganda na, mabait pa’
“May ibang comedy na talagang hindi mo na magagawa ngayon. And puwede ka mag-reklamo, bakit hindi ginagawa ‘to?
“Pero at the end of the day nagca-cater tayo sa mga manonood at ito ang gusto nila ngayon. So, we follow,” pahayag ni Pao.
“Kung ano ang gusto nila ‘yun ang ica-cater namin, especially nu’ng naging Sunday kami, mas naging bata ‘yung audience namin, mas naging family oriented,” ang mariin pang sabi ni Paolo.
Napapanood pa rin ang “Bubble Gang” tuwing Linggo ng gabi, pagkatapos ng “24 Oras Weekend.” Siyempre, nandiyan pa rin ang pinaka-leader ng gang na si Michael V.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.