Paolo bet mapag-isa, sad sa pagbabu ng Tahanang Pinakamasaya

Paolo Contis bet mapag-isa, sad sa pagbabu ng Tahanang Pinakamasaya

Therese Arceo |March 08,2024
facebook
share this

Paolo Contis bet mapag-isa, sad sa pagbabu ng Tahanang Pinakamasaya

Therese Arceo - March 08, 2024 - 11:10 PM

Paolo Contis bet mapag-isa, sad sa pagbabu ng Tahanang Pinakamasaya

TULUYAN na ngang namaalam sa ere ang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya” nina Paolo Contis produced by TAPE Inc na ipinapalabas sa GMA Network.

Kasabay ng pamamaalam nito ay marami ang nalungkot dahil paano na lang ba ang mga staff at tao sa likod ng programa na nawalan ng hanapbuhay.

Marami rin ang nagulat dahil bigla na lang namaalam sina Paolo at last airing na pala noong March 2.

Ayon naman sa chika ng komedyante at talent manager na si Ogie, nakarating sa kanya na may outstanding balance pa ang TAPE Inc sa Kapuso Network na aabot raw sa P800 million na naipon na mula pa sa dating “Eat Bulaga”.

Bukod pa rito, tila mababa ang ratings ng “Tahanang Pinakamasaya” nina Paolo at mas nalalamangan ng mga kalabang shows.

Kaya naman sinubukan ni Ogie na mag-reach out sa isa sa mga hosts ng naturang noontime show upang hingin ang pahayag nito sa nangyayari.

Baka Bet Mo: ‘Tahanang Pinasara’: Programa nina Paolo at Isko inokray-okray ng bashers

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngunit nang kausapin niya si Paolo ay tumanggi ito at sinabing huwag muna siyang kausapin.

Isa pa, gusto rin daw nitong mapag-isa.

“I asked Paolo Contis since malapit naman tayo sa batang ‘yan, hiningi niya na huwag ko muna siyang kausapin. Gusto raw muna niyang mapag-isa,” lahad ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa raw sa kanya ng kaibigan, “Mare, pass muna ‘ko, papahinga lang ako.”

Kaya naman hindi na rin pinilit ni Ogie anc kaibigan para magbigay pahayag ukol sa nangyari.

Sa ngayon ay pansamantalang papalitan ng “Lunchtime Movie Hits” ang timeslot ng “Tahanang Pinakamasaya” at adjusted na rin ang oras ng pagpapalabas ng kanilang mga afternoon drama series.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending