'Tahanang Pinasara': Programa nina Paolo at Isko inokray-okray

‘Tahanang Pinasara’: Programa nina Paolo at Isko inokray-okray ng bashers

Ervin Santiago - March 03, 2024 - 02:58 PM

'Tahanang Pinasara': Programa nina Paolo at Isko inokray-okray ng bashers

Isko Moreno, Paolo Contis at ang iba pang hosts ng ‘Tahanang Pinakamasaya’

BUKAS, March 4, maglalabas ng official statement ang GMA at TAPE Incorporated tungkol sa pagkatsugi umano ng “Tahanang Pinakamasaya” nina Isko Moreno at Paolo Contis.

Kumalat ang chika na last episode na raw ng programa ang umere nitong nagdaang Sabado dahil papalitan na ito ng bagong show.

Ngunit bago umano umere ang papalit sa programa nina Isko Moreno, Paolo Contis at Buboy Villar, mapapanood muna ang ilang replay episodes nito sa GMA.

Ang isa raw sa dahilan ng pagkatsugi ng naturang noontime show ay ang lumobong utang ng TAPE sa GMA 7 na umabot na umano sa P800 million. Hanggang sa December, 2024 pa sana ang “Tahanang Pinakamasaya” base sa kanilang kontrata sa Kapuso Network.

Baka Bet Mo: True ba, logo ng Tahanang Pinakamasaya hindi raw original kaya inireklamo?

Wala pang kumpirmasyon kung tuluyan na ngang nagpaalam ang “Tahanang Pinakamasaya” pero sa pagtatapos ng episode nito kahapon, mukhang totoo nga ang mga naglalabasang chika.

Ang mensahe ni Isko sa mga manonood, “Anuman ang gawin mo at anumang problemang kakaharapin, do everything for love, ganiyan ang pagmamahal namin sainyo mga Kapuso.

“Araw-araw kami ni Paolo at ang TP family at TAPE Inc. maghatid ng Tahanang Pinakamasaya sa bawat pamilyang Filipino,” aniya pa.


Sabi naman ni Paolo, “Maraming, maraming salamat po. Isa na namang sabadong hindi natin malilimutan.

“Ang lahat ng ito ay alay namin para sa inyo mula sa pamilya ng TAPE Incorporated, ang tagahatid ng tulong, saya, at unli sorpresa mula pa ng 1979 sa pamamagitan ng Eat Bulaga hanggang ngayon sa Tahanang Pinakamasaya,” sey pa ng aktor at host.

Walang binanggit ang mga host kung iyon na nga ba ang kanilang final episode. Pero ayon sa mga netizens, mukhang tsugi na nga ang “TP” sa GMA 7.

Ilang bashers ang nang-okray sa show at may tumawag pang “Tahanang Pinasara” ang show nina Isko at Paolo. Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa naturang isyu mula sa official Facebook page ng BANDERA.

“Mas may sense pa nga at entertaining ang  Tictoclock kesa TP. Gudjob GMA Network.”

“Congrats to TVJ the original!”

“Okay lang. Badtrip naman kasi ako kay Paolo at Buboy.”

“Wow.. Congrats.. Tanggal na.”

“Walng kapormalan ang show nila. Puro sigawan lqng.”

“Sabi na eh, may malas kasing dala si Contis tapos sinabayan pa ng mga Jaloslos.”

Baka Bet Mo: Karen kampi kay Isko: Sana lang wala nang ganitong pang-iinsulto porke kalaban sa 2022!?

“Ganyan talaga ang fake hindi magtatagal. kukupas. tapos. Tatapon mo na lng.”

“Kung TikToclock yan sana isama na nila cna Yorme@Paolo contis as a Partner sa segment na G sa Gedli Sayang ung contract nila sa Tape.”

“Pare pareho lng naman kc. kaumay na. all out sunday andun sila, bubble gang andun sila…pepito manaloto andun ung iba.”

“Kulang talaga sa experience ang mga host na pinagkukuha para itapat sa dalawang shows na subok na subok na, wala pang sariling identity kaya mas maraming haters kesa fans.”

“Paolo Contis sabi mo hindi pa tapos ang laban? Anyare?”

“GMA & TAPE better clear the air if the original Eat Bulaga TVJ had any liability or involvement into the reported 800 million php debt TAPE incurred to the Kapuso network..Said amount allegedly accumulated before TVJ’s exit from Kapuso.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, meron namang mga netizens ang nalungkot sa nangyari sa “TP” dahil alam nilang marami ang mawawalan ng trabaho. Sana raw ay makahanap agad sila ng kapalit na work.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending