‘Tahanang Pinakamasaya’ tsinugi na sa GMA, ‘TictoClock’ ang ipapalit?
NAG-VIRAL sa social media ang post mula sa isang website na kumpirmadong tsugi na ang “Tahanang Pinakamasaya” at ang huling episode nito ay noong Sabado, March 2.
Base sa nabasa naming post:
“BREAKING NEWS: | Kumpirmado na Tahanang Pinakamasaya, last day episode na kanina.
“Maglalabas daw ng Joint-Statement ang GMA Network at TAPE Incorporated ngayong March 4, Lunes.
“Kanina naging emotional ang naging Closing ng buong hosts ng TP, lalo na ang main hosts nitong sina Isko Moreno at Paolo Contis. Kasabay nito biglang naglaho ng parang bula ang Facebook at Youtube Page ng TAPE INC.
Baka Bet Mo: True ba, logo ng Tahanang Pinakamasaya hindi raw original kaya inireklamo?
“Samantala, Replay Episode daw muna ang aasahan ng mga Kapuso Viewers sa Lunes.”
Ang dahilan ay sa lumobong utang ng TAPE, Inc. sa GMA 7 na umabot na sa P800 million kaya’t hindi na pinatapos na dapat ay hanggang Disyembre pa sana ang “Tahanang Pinakamasaya.”
Base naman sa nakuha naming chika ay si Yorme Isko Moreno lang ang pasok sa programang ipapalit sa TP at makakasama raw niya sina Pokwang, Rabiya Mateo at Kuya Kim Atienza kung walang pagbabago.
Ayon pa sa kausap namin, “Tictoclock daw ang ipapalit kaya binuhay nila ang Tanghalan ng Kampeon.”
Hindi diretsong inamin ng kausap naming taga-GMA pero base sa tono ay nanghinayang sila sa pagkawala ng “Eat Bulaga” na sina Tito, Vic and Joey ang main hosts kasama ang Dabarkads.
Abangan na lang sa Lunes, March 4, kung ano ang ia-anunsyo ng GMA management tungkol sa agarang pagkawala ng “Tahanang Pinakamasaya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.