True ba, logo ng Tahanang Pinakamasaya hindi raw original?

True ba, logo ng Tahanang Pinakamasaya hindi raw original kaya inireklamo?

Ervin Santiago - January 11, 2024 - 12:20 AM

True ba, logo ng Tahanang Pinakamasaya hindi raw original?

Ang mga hosts ng ‘Tahanang Pinakamasaya’

MUKHANG inaalat talaga ngayon ang noontime show ng GMA 7 na “Tahanang Pinakamasaya” hosted by Isko Moreno, Buboy Villar and Paolo Contis.

Wala pang isang linggo ang programa mula nang pagbawalan silang gamitin ang titulong “Eat Bulaga” ay puro pamba-bash na naman ang natatanggap nila.

Matapos asarin at okrayin ang ipinalit na title ng TAPE Incorporated sa “Eat Bulaga” na “Tahanang Pinakamasaya” ay may bago na namang kinakaharap na isyu ang show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tape Inc. (@officialtapeinc)


Nitong nagdaang linggo ay kinatigan ng korte ang grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon bilang tunay na may-ari ng “Eat Bulaga” trademark kaya naman binago na ng TAPE ang kanilang noontime show sa GMA 7.

Baka Bet Mo: Pagre-resign ni Buboy sa Eat Bulaga ‘fake news’: ‘Patuloy pa rin akong magpapasaya sa Dabarkads!’

At kasunod nga nito, inakusahan na naman sila na ginaya umano ang  logo ng “Tahanang Pinakamasaya” sa isang project mula sa Quezon Province.

May lumabas na report na binabalak umano ng kampo ni Quezon Governor Helen Tan na magreklamo laban sa TAPE dahil sa panggagaya raw sa kanilang logo design.

Wala pang official statement na inilalabas ang Quezon Provincial Government hinggil sa usaping ito. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng TAPE sa naturang isyu pati na ng iba pang taong involved.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending