Rendon nachakahan sa Tahanang Pinakamasaya

Rendon nachakahan sa Tahanang Pinakamasaya: Lalo kayong pagtatawanan ni Joey

Ervin Santiago |January 07,2024
facebook
share this

Rendon nachakahan sa Tahanang Pinakamasaya: Lalo kayong pagtatawanan ni Joey

Ervin Santiago - January 07, 2024 - 12:08 PM

Rendon nachakahan sa Tahanang Pinakamasaya: Lalo kayong pagtatawanan ni Joey

Paolo Contis, Isko Moreno at Rendon Labador

HINDI aprub sa ilang manonood at netizens ang bagong titulo ng noontime show nina Paolo Contis, Isko Moreno at Buboy Villar.

Mula sa “Eat Bulaga” ay pinalitan na ito ng TAPE Incorporated ng “Tahanang Pinakamasaya” matapos silang matalo sa kaso hinggil sa tunay na nagmamay-ari ng trademark ng longest-running noontime show sa bansa.

Nanalo sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa inihain nilang reklamo sa Marikina Regional Trial Court hinggil sa kasong copyright infringement at unfair competition kasama ang creative director ng “E.A.T.” na si Jeny Ferre at director na si Poochie Rivera, laban sa TAPE Inc., at GMA Network.


Sabi ni Bossong Vic, “Ibig sabihin din po niyan, e, nanalo po tayo. Tayo po ay sumunod sa batas at kumapit sa katotohanan.

“Isa lang po ang sinasabi ng batas, pati ng mga manonood, isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga! Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga! at yun ang Eat Bulaga! dito sa TV5,” aniya pa.

Kasunod nga nito ang pagsunod ng TAPE sa naging desisyon ng korte kaya naman agad-agad nilang binago ang titulo ng kanilang show kahapon, January 6, sa “Tahanang Pinakamasaya.”

Baka Bet Mo: Joey: ‘Aakalain n’yo bang makalipas ang 44 taon ay pag-aawayan, pag-aagawan at marami ang nais na umangkin sa ‘Eat Bulaga?’

Pero mukhang maraming hindi nagandahan sa naturang title, kabilang na riyan ang social media personality na si Rendon Labador.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Rendon ang screenshot ng kanyang comment sa “Tahanang Pinakamasaya”. Aniya, hindi raw ito titulo kundi isang tagline.

Hirit niya, “Lalo kayong pagtatawanan ni JOEY DE LEON sa mga pinaggagawa ninyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang dami daming magagandang TITLE sa buong mundo, yan pa talaga naisip ninyo?” ang matapang caption ni Rendon sa kanyang post.

“Pinag lalaban ko kayo tapos hindi pa ninyo ginalingan. Yan na nga lang ang trabaho ninyo hindi pa ninyo ginalingan,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Ken, Rita napagkakamalang tunay na mag-asawa: Malalim na ang relasyon namin…

Sa isa pa niyang comment, sinabi rin ni Rendon na, “Mababa na nga ang rating tapos hindi pa maganda ang pangalan ng show, good luck! #SampalNgKatotohanan.

“Nag nababago na ako pero ang panget talaga ng pangalan,” dugtong pa niya.

Narito naman ang mga reaksyon ng mga loyal BANDERA readers sa bagong title ng show nina Paolo sa GMA 7.

“Ang panget ng tittle, hahaha. Dapat ang tittle ng show nila ISANG LINGO NA LANG KAMI.”

“Kala ko gagawin nilang EATS SHOWTIME?”

“Tahanang pinakamalungkot sa balat ng lupa.”

“Ganda ng title tahanang malapit ng ipasara.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“NASAAN NA ANG ANGAS MO PAOLO? TAKOT KA NA BANG MAIMBITA NG KORTE, MAHABA PA BA ANG LABAN.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending