TAPE pinalitan na ang title ng noontime show

TAPE pinalitan na ang title ng noontime show sa ‘Tahanang Pinakamasaya’

Pauline del Rosario - January 06, 2024 - 03:54 PM

TAPE pinalitan na ang title ng noontime show sa ‘Tahanang Pinakamasaya’

PHOTO: Facebook/TAPE INC.

MAY bago nang title ang noontime show ng Television and Production Exponents o TAPE, Inc. – mula sa “Eat Bulaga,” ginawa na itong “Tahanang Pinakamasaya.”

Ang pagpapalit ng pangalan na ito ay isang araw matapos i-anunsyo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang kanilang pagkapanalo sa copyright infringement and unfair competition case laban sa TAPE at GMA Network.

Magugunitang kinansela ng Intellectual Property Office o IPO ang trademark registration ng nasabing production company sa “Eat Bulaga” at “EB” matapos hindi napatunayan kung paano nila nabuo ang nasabing trademark.

Dahil diyan, kinatigan ng ahensya ang naging paliwanag at testimonya ng mga petitioners na sina Tito, Vic and Joey (TVJ) kung paano nila nabuo ang “Eat Bulaga.”

“Mga Kapuso, may balita tayong natanggap kahapon, kaya susunod tayo sa desisyon ng korte,” sey ng TV host ng programa na si Isko Moreno.

Baka Bet Mo: TVJ nagkaiyakan sa presscon ng paglipat nila sa TV5; Vic hindi papayag na basta na lang kunin ang ‘Eat Bulaga’ ng kung sinu-sino lang

Sambit pa niya, “Pero fresh episode tayo mula ngayon at laging good vibes lang at love love lang.”

“Ang mahalaga, hangga’t nandyan po kayo, kami ni Paolo at ang ating mga kasama dito sa ‘Tahanang Pinakamasaya’ ay tuloy-tuloy and tulong at saya at sorpresa,” dagdag pa niya.

Hindi na tinalakay ni Isko at ng co-host niya na si Paolo Contis ang tungkol sa pagbabago ng titulo at sa halip ay ipinagpatuloy nalang nila ang mga sorpresa sa mga manonood.

Samantala, agaw-pansin din ang pagpapalit ng Facebook cover photo ng production company.

Ang nilagay na nila ay ang logo ng “Tahanang Pinakamasaya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagkomento pa nga mismo ang programa sa nasabing post at sinabing: “It feels like Day 1 at maraming salamat sa pagbisita sa Tahanang Pinakamasaya! Tuloy-tuloy lang ang Tulong, Saya at Sorpresa!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending