‘Eat Bulaga’ trademark ni-renew ng IPO, nananatiling pagmamay-ari ng TAPE Inc
MANANATILING pagmamay-ari ng Television and Production Exponents Inc. o TAPE Inc ang pangalang “Eat Bulaga” hanggang June 2033.
Ito ay matapos i-renew ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang naturang trademark sa ilalim ng TAPE Inc at valid ito sa susunod na sampung taon.
Kinumpirma mismo ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel ng TAPE, na natanggap na nila ang Certificate of Renewal of Registration para sa “Eat Bulaga” trademark.
Lahad ng abogado, nakuha na nila ito kahapon, August 4.
View this post on Instagram
“This renewal is a testament that TAPE was and remains the registered owner of the trademark ‘Eat Bulaga’,” saad ni Atty. Maggie.
Samantala, hindi kasali sa naturang Certificate of Registration ng trademark ang class 41 o ang entertainment services na ina-applyan ng partido ng TAPE at ng dating hosts nito na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ).
Ang ” Eat Bulaga” trademark ay mahigpit na pinag-aawayan ng kampo ng mga Jalosjos, ang may-ari ng TAPE at TVJ na siyang mga original hosts mula noong magsimula ang programa.
Matatandaang nagsampa ng Application for the Issuance of Writ of Injuction on the Copyright Infringement and Unfair Competition sa Branch 273 ng Regional Trial Court ng Marikina City ang TVJ kasama si Jeny Ferre laban sa TAPE para sa pangalan ng longest running noontime show.
Giit ng TVJ, si Joey ang nakaisip ng titulo ng programa mula nang ipalabas ito noong 1979.
Samantala, inaasahang aabot ng September ang pagdinig sa naturang reklamong inihain ng TVJ laban sa TAPE.
Related Chika:
TAPE Inc pinabulaanan ang chikang matatapos na ang ‘Eat Bulaga’, nag-improve raw ang ratings
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.