TAPE Inc pinabulaanan ang chikang matatapos na ang ‘Eat Bulaga’, nag-improve raw ang ratings
ITINANGGI ng TAPE Inc ang kumakalat na balita hinggil sa nalalapit na pagtatapos ng “Eat Bulaga”, ang longest running noontime show sa bansa.
Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” ay natalakay ng kolumnista kasama ang co-host na si Romel Chika ang naturang isyu na naging laman ng usap-usapan ng mga Marites.
“Tayo po ay nagbalita rin tungkol sa umiikot na kwento na hanggang sa katapusan na lang daw po ng Hulyo… ang Eat Bulaga,” panimula ni Cristy ukol sa show na ipinu-produce ng TAPE Inc.
Pagpapatuloy niya, “Pupwede nila itong i-deny. Pwede ring panindigan. May pagkakataon sila para ipagkaila itong kwentong umiikot ngayon sa ngalan ng pride, sa ngalan ng may ipangtutustos pa kung totoong luging-lugi na sila.”
At ngayong araw ay naglabas na nga ng official statement ang TAPE Inc sa pamamagitan ng kanilang abogado.
Ayon sa pahayag ay wala raw katotohanan ang kumakalat na balita ukol sa pamamaalam nila sa telebisyon.
“TAPE Inc has denied reports that GMA Network’s noontime program ‘Eat Bulaga’ will only run until the end of July. There is no reason for that,” saad ng abogado nilang si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Sey ni Romel, maganda raw na ngayon pa lang ay nagsalita na sila dahil posibleng kung late ay baka nagsialisan na rin ang mga advertisers.
Baka Bet Mo: TAPE Inc doble o triple daw ang offer na TF para sa magho-host ng ‘Eat Bulaga’, ilang personalidad tumanggi pa rin
Sundot naman ni Cristy, mabuti na rin at wala itong katotohanan dahil sino ba ang may gusto na mawalan ng mga trabaho ang mga empleyado sakaling magsara ang TAPE Inc.
Matatandaang kahapon ay nabanggit nga sa naturang programa ang posibilidad na pagtatapos ng “Eat Bulaga”.
“Parang July 29, parang ganon ang umiikot na kwento ngayon. Alam nyo po, kapag walang apoy, walang usok. Kapag walang usok, walang apoy,” saad ni Cristy ukol sa isyu ng TAPE Inc.
“Negosyante ka. Kunwari negosyante ka, alam mo ang pasok at labas ng iyong ROI, di ba yung return of investment. Kapag alam mo na iyong isinusugal mo sa isang negosyo ay hindi compensated ng pumapasok, isasakripisyo mo iyan e. Dun ka sa kumikita. Walang negosyante na nagnegosyo para lang magpatalo,” dagdag pa nito.
Ngunit nilinaw na nga rin ng abogado ng TAPE Inc na wala itong katotohanan at sa halip, pinuri nito ang tumataas na ratings.
““We do not contest that on July 1, mababa ang rating of ‘Eat Bulaga’ because of the anticipation of people on the launch of new shows but thereafter makikita na tumataas na ulit ang ratings nito. Ang ‘Eat Bulaga’ ay para sa tao at hanggang maraming manonood ang tumatangkilik patuloy ang eat bulaga sa pagbibigay ng saya at tulong sa mga kababayan natin,” lahad ng abogado sa Manila Bulletin.
Dagdag pa niya, “‘Eat Bulaga’ segments are doing great lalo na yung segment ni Yorme and Buboy. ‘Eat Bulaga’ likewise launched ‘Hey! Mr. Rider’ na sobrang patok na patok sa mga members ng motorcycle associations. Abangan din nila ang mga celebrity riders na makikisaya sa segment na to.”
Related Chika:
Michael V walang natanggap na offer para maging host ng bagong ‘Eat Bulaga’: ‘Kung magkaroon man, I will STILL DECLINE’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.