TAPE malungkot sa pag-alis ng TVJ sa 'Eat Bulaga': Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo | Bandera

TAPE malungkot sa pag-alis ng TVJ sa ‘Eat Bulaga’: Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo

Therese Arceo - June 01, 2023 - 05:50 PM

TAPE malungkot sa pag-alis ng TVJ sa 'Eat Bulaga': Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo

NAGLABAS na ng pahayag ang panig ng TAPE Inc. patungkol sa pag-alis ng mga mainstay hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa kanilang poder.

Kahapon, May 31, opisyal nang inanunsyo ng tatlo ang kanilang pamamaalam sa produksyon ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.

At ngayong araw, June 1, naglabas na rin ng opisyal na pahayag si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos, chief finance officerng TAPE Inc. sa pamamagitan ng kanyang Instagram story.

“TAPE, Inc. is saddened by the turn of events yesterday, May 31 but we respect the decision of the hosts to leave Eat Bulaga and GMA 7 Network, which has been their home for 28 years.

“We are grateful to the men and women who worked tirelessly for the past 43 years to make our noontime show number 1,” saad sa official statement.

Ngunit ayon sa TAPE, ang success ng “Eat Bulaga” ay hindi dependent sa tatlong tao bagkus sa collaborative efforts ng mga talents, production crew, at ng mga manonood.

Baka Bet Mo: Tito, Vic & Joey, Eat Bulaga Dabarkads nagpaalam na: ‘Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bagamat walang pangalang binanggit ay halata namang ang pinatutungkulan nito ay ang TVJ na namaalam na nga sa produksyon kahapon.

Pagpapatuloy ng TAPE, “We are happy for the full support of GMA 7 in making Eat Bulaga bigger, to bring more fun and excitement to every Filipino.”

Sinisiguro naman nila sa publiko at sa mga taga-supporta ng naturang noontime show na patuloy silang maghahatid ng “quality entertainment”.

Sey ng TAPE, “It is unfortunate, but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino.

“Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at HIGIT PA SA ISANG LIBO’T ISANG TUWA na Eat Bulaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Giit pa ng TAPE, “Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso MULA APARRI HANGGANG JOLO AT SA BUONG MUNDO.
Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo. Maraming Salamat!”

Related Chika:
OK lang kay Bossing Vic kung hindi na mabayaran ng TAPE ang P30-M utang sa kanya: ‘Hindi lahat nadadaan sa pera’

Mga Dabarkads ipinagluluksa ang pamamaalam ng TVJ; Regine, Juday, Pops, Aga iba pang celebs nakisimpatya sa ‘Eat Bulaga’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending