Michael V walang natanggap na offer para maging host ng bagong 'Eat Bulaga': 'Kung magkaroon man, I will STILL DECLINE' | Bandera

Michael V walang natanggap na offer para maging host ng bagong ‘Eat Bulaga’: ‘Kung magkaroon man, I will STILL DECLINE’

Ervin Santiago - June 11, 2023 - 10:48 AM

Michael V walang natanggap na offer para maging host ng bagong 'Eat Bulaga': 'Kung magkaroon man, I will STILL DECLINE'

Michael V

MARIING pinabulaanan ng Kapuso comedy genius na si Michael V ang kumalat na balita na inalok siya ng TAPE Incorporated na maging host ng bagong “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Tinawag pa ng komedyante at direktor na “fake news” ang naturang balita kasabay ng pagsasabing hindi rin niya tatanggapin sakaling makatanggap siya ng offer na pumalit kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa “Eat Bulaga.”

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Bitoy na naa-appreciate niya ang mga positive comments mula sa mga netizens pero wala ngang katotohanan ang mga kumakalat na balita about TAPE’s offer.

“WALA po akong natanggap na offer to host Eat Bulaga on GMA 7. At kung magkaroon man, I will STILL DECLINE dahil hindi na po maa-accommodate ng schedule ko at the moment,” simulang paglilinaw ng komedyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


“It’s unfortunate na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dalawang kampo and I’m hoping na ma-plantsa na ang gusot.

“Alam ko kasi na in the future, I will appear on both shows for whatever reason and I would like to feel welcome when that time comes,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa ‘Eat Bulaga’ nag-pull out na rin?

Dagdag pa niya, “Sa mga nagtatanong naman kung ano ang naging DAHILAN NG PAG-ALIS KO dati sa EB, nasagot ko na po ‘yan sa #BitoyStory 11 (around 02:43 mark) originally posted on October 4, 2018 (here’s the link: https://youtu.be/_i_W3u27aNw).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I hope this clears things out for anyone who’s asking. Maging maingat at matalino po sa pagbabasa at pagri-research para hindi tayo mabiktima ng FAKE NEWS,” ang paalala pa ng Kapuso comedian.

Samantala, abangers na ang mga loyal “Eat Bulaga” fans kung kailan muling mapapanood ang TVJ at iba pang original Dabarkads matapos kumpirmahin ng iconic trio na lilipat na sila sa TV5.

Hindi pa rin sigurado kung magagamit pa rin nila ang “Eat Bulaga” sa paglipat nila sa TV5.

Ryan Bang nakatanggap ng offer mula sa isang Korean entertainment group, mas pinili ang Pilipinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

OK lang kay Bossing Vic kung hindi na mabayaran ng TAPE ang P30-M utang sa kanya: ‘Hindi lahat nadadaan sa pera’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending