TAPE Inc doble o triple daw ang offer na TF para sa magho-host ng 'Eat Bulaga', ilang personalidad tumanggi pa rin | Bandera

TAPE Inc doble o triple daw ang offer na TF para sa magho-host ng ‘Eat Bulaga’, ilang personalidad tumanggi pa rin

Reggee Bonoan |June 20,2023
facebook
share this

TAPE Inc doble o triple daw ang offer na TF para sa magho-host ng ‘Eat Bulaga’, ilang personalidad tumanggi pa rin

Reggee Bonoan - June 20, 2023 - 07:45 PM

TAPE Inc doble o triple daw ang offer na TF para sa magho-host ng 'Eat Bulaga', ilang personalidad tumanggi

“PAG sinabi kasing Eat Bulaga, TVJ (Tito, Vic at Joey) lang talaga, baka pag iniba nila ang title puwedeng i-consider ang offer,” ito ang sabi ng manager ng isa sa money-maker ng GMA 7.

May mga nakausap kaming handlers at managers ng mga talents ng Kapuso network na hiningan namin ng reaksyon kung sakaling alukin silang maging isa sa host ng “Eat Bulaga” na sinasabing pag-aari ng TAPE, Inc.

Ayaw munang ipabanggit ang mga pangalan ng mga nakausap namin para walang isyu.

Matatandaang nagsalita nang tapos si Alden Richards na ang loyalty niya ay kina dating Senador Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kaya ibig sabihin ay hindi niya tatanggapin ang offer na maging isa sa host, pero dahil exclusive contract siya ng GMA 7 ay wala siyang magagawa.

Parang inaadya naman ng panahon dahil kaliwa’t kanan ang ginagawang proyekto ngayon ni Alden kaya malabo talagang i-offer sa kanyang mag-host dahil may hinahabol na araw ang mga shootings niya ng pelikula with Sharon Cuneta na “A Mother and Son Story” under Cineko Productions mula sa direksyon ni Nuel Naval.

Going back sa ilang kausap naming handlers at managers, ang iba pang sagot sa amin, “as of now wala namang offer pa, if ever siguro will check the schedules kasi mahirap pag may TV series, puyat-puyat, so ako (manager ng prime artist) hindi ko siguro tatanggapin for now. Alam din naman ng Sparkle ang schedules ng artista nila kaya sila na mismo ang magde-decide.”

 

Baka Bet Mo: TVJ nagkaiyakan sa presscon ng paglipat nila sa TV5; Vic hindi papayag na basta na lang kunin ang ‘Eat Bulaga’ ng kung sinu-sino lang

 

May prime actress din daw na inalok pero may series din kaya hindi tinanggap, pero kung guesting lang at once a week, pupuwede raw, sabi ng manager naman nito.

Pero ‘yung isang sikat na personalidad ay tumanggi na right away dahil hindi niya feel mag-host.

Anyway, nabanggit ni Nanay Cristy Fermin sa programang “Cristy Ferminute” nila ni Romel Chika sa Radyo5 92.3 TRUE FM na doble o triple ang inaalok na talent fee ng TAPE, Inc sa mga napipisil nilang maging host ng programa nila sa tanghali.

At ‘yung iba nga raw ay inalok pang bigyan ng pang downpayment sa gustong bilhing sasakyan.

Dahil may bagong SUV o service utility vehicle si Buboy Villar na pinost niya sa kanyang social media account ay sinabing galing nga sa TAPE ang pinang-down kahit pa galing pa siguro sa kinita nito sa kanyang negosyo.

Anyway, ang inaabangan ngayon ay kung ano ang magiging labanan in terms of ratings game ng programa ng TAPE, Inc na napapanood sa GMA 7 at ang pagpasok ng G na It’s Showtime na mapapanood simula sa Hulyo 1 sa GTV channel ng Kapuso network.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Patutsada ni Joey de Leon sa paglipat ng TVJ sa TV5: ‘Ang TAMA LIMA, ang MALI SILA!’

‘Eat Bulaga’ contestant na nanalo sa isang segment, nagpasalamat sa TVJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending