‘Eat Bulaga’ contestant na nanalo sa isang segment, nagpasalamat sa TVJ
TAWANG-TAWA ang mga netizens sa “Eat Bulaga” contestant matapos itong mapanood sa bagong segment na “G sa Gedli”.
Sa naturang segment ay lumabas sina dating Manila Mayor Isko Moreno at Buboy Villar sa studio at manunurpresa ng mga tao sa kalsada para bigyan ng cash prizes.
At ang kanilang napiling contestant ay isang e-trike driver at maswerteng nagwagi ng P10,000.
Sa una ay in-interview muna nila ang driver ukol sa trabaho nito at ano ang gagawin nito sakaling magkaroon siya ng extrang pera.
“Ipangbibili na lang ng pagkain… tsaka pambayad [sa] bahay. [Pambayad sa upa] P3,500 tapos ito [e-trike] hinuhulugan ko rin P6,500 monthly,” say ng Eat Bulaga contestant.
Matapos nga ang diskusyon nila ni Yorme Isko ay agad agad siyang inabutan nito ng cash prize.
“Para makapagpahinga ka nang mahabang-mahaba, ipasyal mo ang pamilya mo, may tulong sa ‘yo ang Eat Bulaga… bigyan mo sampung libo!” saad ni Isko.
https://www.youtube.com/watch?v=4rMQdq0r_7o
Baka Bet Mo: ‘Eat Bulaga’ naging ‘Eat’s a Prank’, isang contestant tauhan raw ni Buboy Villar
Nagoasalamat naman ang driver sa biyayang natanggap niya.
“Maraming maraming salamat po sa Eat Bulaga lalong lalo na kina Tito, Vic, at Joey,” saad ng drayber.
Tila nalito ito at hindi aware na nagbitiw na ang TVJ sa TAPE Inc at hindi na parte ng naturang programa.
Sey naman ni Isko, “Yon! Tito, Vic, and Joey! ‘Yun ang mga nakasama natin noong araw. Hindi natin makakalimutan. Pero ngayon, ang bagong Eat Bulaga, lagi mo ba kaming sasamahan?”
Sagot naman ng driver, “Opo. Opo, lagi po kaming manonood ng pamilya ko.”
At matapos nito ay muli pang binigyan ng tatlong libo ni Isko ang maswerteng driver upang mapasyal nito ang kanyang pamilya.
Related Chika:
Hirit ni Vice kinonek ng netizens sa isyu ng ‘Eat Bulaga’: ‘If you listen to the madlang pipol, you will never go wrong…’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.