Isko, Paolo lalabas ng 'Eat Bulaga' studio para sa bagong version ng 'Sugod Bahay'; Herlene Budol papasok na rin sa 'EB'? | Bandera

Isko, Paolo lalabas ng ‘Eat Bulaga’ studio para sa bagong version ng ‘Sugod Bahay’; Herlene Budol papasok na rin sa ‘EB’?

Ervin Santiago |June 13,2023
facebook
share this

Isko, Paolo lalabas ng ‘Eat Bulaga’ studio para sa bagong version ng ‘Sugod Bahay’; Herlene Budol papasok na rin sa ‘EB’?

Ervin Santiago - June 13, 2023 - 07:24 AM

Isko, Paolo lalabas ng 'Eat Bulaga' studio para sa bagong version ng 'Sugod Bahay'; Herlene Budol papasok na rin sa 'EB'?

Isko Moreno kasama ang iba pang bagong host ng ‘Eat Bulaga’

MUKHANG enjoy na enjoy na si dating Manila City Mayor Isko Moreno bilang host ng bagong “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Base sa mga napanood naming video sa social media, talagang kinakarir niya ang ibinigay sa kanyang trabaho ng TAPE Incorporated bilang katropa nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro at ng kambal na sina Casy at Mavy Legaspi.

In fairness, marami rin namang nakapanood sa unang pagsabak ni Yorme sa “Eat Bulaga” kung saan humataw agad siya sa kanyang signature dance number na “Dying Inside”.

Ayon sa dating alkalde ng Maynila, parang nagbalik siya sa panahong nagpe-perform siya sa “That’s Entertainment” ng namayapa niyang mentor at tatay-tatayan na si German “Kuya Germs” Moreno tatlong dekada na ngayon ang nakararaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eatbulagana


Balitang magiging regular na nga si Isko bilang host ng longest-running noontime show sa Pilipinas at kasabay nga nito ang pangnenega sa kanya ng ilang netizens sa social media.

May mga nagsasabi kasi na baka raw gagamitin lang ng dating mayor ang “Eat Bulaga” para sa kanyang political plans, lalo na’t malapit na ang susunod na eleksyon.

Baka Bet Mo: Xian Lim gusto na ring sumabak sa politika nang dahil kay Isko Moreno

Ngunit ayon sa ating source, sinabi raw ni Isko na wala na siyang planong sumabak muli sa mundo ng politika. Sa katunayan, this early ay may humihikayat na sa kanya na tumakbo uling mayor sa Maynila.

Ngunit tinanggihan daw ito agad ng aktor at dating public servant kasabay ng pagsasabing pahinga na raw siya sa politika at nais niya munang mag-concentrate sa pagbabalik niya sa entertainment industry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eatbulagana


Napag-alaman din namin na sina Isko at Paolo ang lalabas ng studio para sa bago nilang segment na naka-pattern sa “Sugod Bahay” at “Juan For All, All For Juan.”

Samantala, usap-usapan din ngayon sa apat na sulok ng kashowbizan na isa pa raw sa gustong kunin ng TAPE bilang host ng kanilang noontime show ay ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol.

Ngunit tila hindi pa ito sigurado dahil daw sa super hectic na schedule ng komedyana na bibida na sa kanyang launching TV series na “Magandang Dilag” kung saan makakasama niya sina Benjamin Alves at Rob Gomez.

Karen kampi kay Isko: Sana lang wala nang ganitong pang-iinsulto porke kalaban sa 2022!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yorme tinamaan na rin ng COVID-19: Kapit lang, tuloy ang buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending