Xian Lim gusto na ring sumabak sa politika nang dahil kay Isko Moreno | Bandera

Xian Lim gusto na ring sumabak sa politika nang dahil kay Isko Moreno

Ervin Santiago - November 22, 2021 - 08:28 AM

Xian Lim, Isko Moreno at McCoy de Leon

SI Xian Lim ang gumaganap na present day Isko Moreno sa musical film na “Yorme: The Isko Domagoso Story.”

Ang Kapamilya child star namang si Raikko Mateo ang batang Isko samantalang si McCoy de Leon ang teenager version ng alkalde ng Maynila. Ito yung panahong naging miyembro siya ng youth oriented show ni German “Kuya Germs” Moreno na “That’s Entertainment.”

Ayon kay Xian, nakilala niya nang husto ang pagkatao ni Manila Mayor Isko Moreno habang ginagawa ang pelikula. At dahil nga dito ay na-inspire din siyang maging mayor o kaya’y public servant din sa hinaharap.

“Sana! Ha-hahaha! Kung mabibigyan ng pagkakataon, ang saya po noon,” pahayag ng bagong Kapuso actor.

“Of course, I think to be an inspiration to many and to be able to create change is very important. I think if there’s anything na napulot ko rito sa proyekto na ito, it’s the ability to inspire and change,” lahad ni Xian.

Ang “Yorme” ay ipinrodyus ng Saranggola Media Productions, mula sa direksyon ni Joven Tan na siya ring sumulat ng 15 original songs sa pelikula. 

Ang Viva Films naman ang magdi-distribute ng biopic ni Yorme na mapapanood na simula sa Dec. 1 sa mga sinehan.

Ano nga ba ang pinakamahirap sa paggawa ng isang musical film? Tugon ng aktor, “Well, si Direk Joven naman po kasi, marami po siyang na-compose na magagandang kanta. 

“I believe yung couple of songs ni Ice Seguerra, si Direk Joven ang nagsulat at nag-compose. So, he would give me the song beforehand. 

“Siyempre, aaralin mo, ire-record namin. And after the recording, dadalhin sa shooting namin.

“Ipinakita rin niya sa akin yung mga ups and downs ni Mayor Isko para mas maramdaman ko yung kanta. At siyempre, sariling research na rin ng karakter dahil may ipino-portray po tayo na isang importanteng tao. Hindi naman ito basta na dadalhin mo lang ang sarili mo, tapos aarte ka. 

“Medyo nahirapan lang ako ng konti sa punto ni Yorme. Meron siyang punto, eh, kung paano siya magsalita,” tuluy-tuloy na kuwento ng boyfriend ni Kim Chiu.

View this post on Instagram

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)


Nagbigay din ng reaksyon si Xian sa mga nagsasabing baka magamit ang pelikula sa political ambition ng kasalukuyang alkalde ng Maynila.

“Actually, pumasok ako sa project na ito as an actor lang po talaga. Hindi ko po iniisip yung mga ganu’ng bagay. Para sa akin po nandito lang ako para sa ganda ng proyekto and to inspire people na makakapanood. 

“Yun kasi yung kailangan natin sa mga panahon ngayon, eh,” katwiran ni Xian.

Samantala, bukod sa tatlong bidang lalaki ay kasama rin sa pelikula ang ilan pang dating miyembro ng “That’s Entertainment” tulad nina Janno Gibbs, Jestoni Alarcon, Tina Paner, Ramon Christopher at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/291367/yorme-balak-mag-retire-sa-public-service-sa-edad-50-wala-pa-ring-final-answer-sa-eleksyon-2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290796/yorme-tinamaan-na-rin-ng-covid-19-kapit-lang-tuloy-ang-buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending