Patutsada ni Joey de Leon sa paglipat ng TVJ sa TV5: 'Ang TAMA LIMA, ang MALI SILA!' | Bandera

Patutsada ni Joey de Leon sa paglipat ng TVJ sa TV5: ‘Ang TAMA LIMA, ang MALI SILA!’

Ervin Santiago |June 20,2023
facebook
share this

Patutsada ni Joey de Leon sa paglipat ng TVJ sa TV5: ‘Ang TAMA LIMA, ang MALI SILA!’

Ervin Santiago - June 20, 2023 - 11:22 AM

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon

IDINAAN ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon sa paglalaro ng mga salita ang mga bagong hugot niya paghihiwalay ng TVJ at ng TAPE Incorporated.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng tinaguriang “Henyo Master” ang latest update tungkol sa nalalapit na pagsisimula ng bagong programa ng mga original Dabarkads sa TV5.

Yes, tuloy na tuloy na nga ang pagpapalabas ng programang pagbibidahan nila nina Tito Sotto, Vic Sotto at ng aniya’y mga “legit Dabarkads” sa Kapatid Network.

Very obvious sa IG post ni Joey ang kanyang patutsada sa TAPE, ang producer ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 gamit ang mga salitang “tama” at “mali.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

Kasabay nito, binalikan din ni Joey ang dati niyang gag show sa TV5 na “Wow Mali” na talaga namang nag-hit sa mga Filipino viewers ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Ang mababasa sa IG post ni Joey, “Noon, ang sabi ko sa ‘Wow, Mali!’, ANG TAMA NAKAKATUWA, ANG MALI NAKAKATAWA.

“Ngayon at malapit na, sa ‘Wow, LIMA!’, ANG TAMA LIMA, ANG MALI SILA! Smile,” aniya pa na pinaniniwalaan ngang may konek sa TAPE.

Kamakailan ay nag-pictorial na ang TVJ at ang iba pang Dabarkads para sa bago nilang noontime show kabilang na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K, Ryan Agoncillo at Paolo Ballesteros na ginanap sa Reliance Studios ng TV5 sa Mandaluyong City.

Samantala, kalat na ang chika na sa paglipat ng TVJ sa TV5 ay mapapanood naman daw ang “It’s Showtime” sa GTV ng GMA Network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.


View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Related chika:

Pagre-resign ni Buboy sa Eat Bulaga ‘fake news’: ‘Patuloy pa rin akong magpapasaya sa Dabarkads!’

‘Eat Bulaga’ contestant na nanalo sa isang segment, nagpasalamat sa TVJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending