TVJ, iba pang Dabarkads muling nagsama-sama sa pictorial, hirit ni Joey sa pagbi-video ni Ryan: 'Ayaw namin ng tape ha, gusto namin live!' | Bandera

TVJ, iba pang Dabarkads muling nagsama-sama sa pictorial, hirit ni Joey sa pagbi-video ni Ryan: ‘Ayaw namin ng tape ha, gusto namin live!’

Ervin Santiago - June 15, 2023 - 10:16 AM

TVJ, iba pang Dabarkads handang-handa na sa bagong programa SA TV5, muling nagsama-sama sa pictorial

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba pang Dabarkads

NAG-PICTORIAL na ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang iba pang original Dabarkads para sa bago nilang programa na mapapanood sa TV5.

Muli ngang nagkasama-sama ang mga host ng longest-running noontime show sa bansa na “Eat Bulaga” ilang linggo matapos nilang layasan ang TAPE Incorporated na siyang producer ng naturang programa.

Inaasahang babandera sa unang linggo ng July ang programa nina Tito, Vic & Joey ang bago nilang show sa Kapatid Network ngunit hindi pa malinaw kung “Eat Bulaga” pa rin ang gagamitin nilang titulo.

Napanood namin ang live video ni Ryan Agoncillo sa YouTube kahapon, June 14, kung saan ipinasilip nga niya ang ilang mga kaganapan sa ginagawa nilang paghahanda para sa kanilang noontime show sa TV5.


Makikita sa video ang TVJ, sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola at Allan K, na kuha sa isang studio ng TV5 na matatagpuan sa Reliance, Mandaluyong City.

Ipinakilala rin ni Ryan ang ilan sa mga executive ng TV5 at mga miyembro ng production staff na sumama sa TVJ matapos ngang magbabu ang mga ito sa TAPE last May 31.

“Mga Dabarkads! Alas-dose na! Live na tayo!” ang sigaw ni Ryan sa pagsisimula ng video na sinundan naman ni Jose ng, “Eat Bulaga na!” sabay tawanan ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Baka Bet Mo: Alden Richards sinagot kung bakit nag-leave noon sa ‘Eat Bulaga’, super grateful sa programa

“Live na tayo! Grabe naman! Nakaka-miss namang mag-live! Hi! 1-4-3 Dabarkads! Ang saya-saya! Miss namin kayo,” ang pagbati naman ni Allan K sa mga manonood.

Binasa naman ni Wally ang ilang viewers na nagpapa-shoutout sa mga original host ng “Eat Bulaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ipinakita rin ni Ryan ang pagsasalu-salo  ng mga Dabarkads at ng mga makakasama nilang staff sa bago nilang noontime show sa pananghalian. Sey pa ng husband ni Judy Ann Santos, ang sosyal daw ng kanilang pagkain.

At habang umiikot si Ryan, humirit si Boss Joey ng tanong kung live raw ba ang video ni Ryan dahil ayaw daw nila ng “tape” na obviously ay patama sa producer ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

“Live ba ‘to? Ayaw namin ng tape, ha? Gusto namin live! Hindi ito tape ha? Okay!” ang patutsada ni Joey sa TAPE.

At sa mga nagtatanong naman kung bakit wala sina Ryzza Mae Dizon at Carren Eistrup sa pictorial ng mga Dabarkads, nauna na kasi silang kunan last Monday, June 12 na sumabay din sa  18th birthday ni Ryzza Mae.

“Yung pictorial, napakasaya po and nagpi-pictorial pa lang kami pero sobrang na-excite na talaga kami.

“First time kasi namin sa studio dito sa TV5. Sobrang babait ng mga tao dito. Dama mo yung warm welcome nila so thank you po sa Kapatid natin.

“Kung hindi niyo po alam, share ko lang, birthday ko po ngayon. Eighteen years old na po ako,” paliwanag ng TV host.

Aniya pa, “And kahit birthday ko po, nag-pictorial pa din kami kasi hindi na ako puwede sa susunod na araw dahil meron akong birthday trip.

“Basta po, konting bakasyon lang tapos work work ulit kaya ito lang ang libreng araw para makapag-pictorial. We all should know and prioritize our priorities,” sey pa ng dalaga.

Abangan na lang natin ang announcement kung kailan talaga eere ang bagong show ng TVJ sa TV5 at kung “Eat Bulaga” pa rin ang magiging titulo nito.

Maine, Ice, Rochelle, Pauleen, ilan pang artista nagpasalamat sa Eat Bulaga: ‘Hanggang sa muli, Dabarkads!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang TV host hindi na pinabalik sa dating programa; nawalan din ng mga raket

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending