Kilalang TV host hindi na pinabalik sa dating programa; nawalan din ng mga raket | Bandera

Kilalang TV host hindi na pinabalik sa dating programa; nawalan din ng mga raket

Reggee Bonoan |April 28,2021
facebook
share this

Kilalang TV host hindi na pinabalik sa dating programa; nawalan din ng mga raket

Reggee Bonoan - April 28, 2021 - 03:47 PM

NANGANGAMBA ang isang kilalang TV host dahil hanggang ngayon ay wala pang tumatawag sa kanya para bumalik sa kinabibilangan niyang programa.

Pinahinto kasi ng management ang programa dahil sumailalim noon sa enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region at iba pang kalapit na probinsya.

Kahit ibinaba na ito sa modified enhanced community quaratine (MECQ) at pinabalik na ang ibang host ng show ay dedma pa rin kay TV host ang production dahil hindi pa rin siya pinababalik kaya nag-aalala na siya kung kay babalikan pa ba siyang trabaho.

Going smooth naman kasi ang hosting job niya kaya may mga pinagkakagastusan ngayon si TV host na kailan lang niya inumpisahan saka malaki kasi ang talent fee niya kaya nakuwenta na niya na sa loob lang ng anim na buwan ay tapos na ang gastusin niya.

“Hindi siya pinatawag, e. Baka by batch? Kasi nga di ba kailangan may social distancing? Saka may bagong boss na ngayong nagde-decide sa production,” say ng aming source.

Ang bagong boss na binabanggit ng aming source ay mas mahigpit daw kaysa sa nauna kaya kabado ang lahat ng tao sa production.

Lahat kasi ay sinisilip nito at tinatanong kung bakit kailangan ng maraming tao kung kaya naman itong gawin ng iilan lamang.

Sa madaling salita nagtitipid ang bagong boss na tama rin naman dahil nga pandemic ngayon kaya marami na ang nagpatigil ng pagpe-place ng ads sa TV at balita namin ay may malaki pang produktong nag-pull out na.

Nabanggit ding sobrang laki ang ibinawas sa talent fee ng mga host as in more than 50% kumpara sa dati na 40% lang ang ibinawas.

Pero sabi namin, okay na rin ito kaysa totally walang trabaho sa panahon ng pandemya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending