Ken, Rita napagkakamalang tunay na mag-asawa: Malalim na ang relasyon namin... | Bandera

Ken, Rita napagkakamalang tunay na mag-asawa: Malalim na ang relasyon namin…

Ervin Santiago |July 12,2021
facebook
share this

Ken, Rita napagkakamalang tunay na mag-asawa: Malalim na ang relasyon namin…

Ervin Santiago - July 12, 2021 - 09:11 AM

INUULAN ng magagandang comments mula sa manonood at netizens ang tambalang Ken Chan at Rita Daniela dahil sa pinagbibidahan nilang Kapuso series na “Ang Dalawang Ikaw.”

In fairness, ilang linggo pa lang itong ipinapalabas sa GMA Afternoon Prime ay huling-huli na agad ng serye ang atensyon ng mga manonood.

Komento ng ilang viewers, talagang level-up na ang on-screen partnership nina Ken at Rita na nagsimula sa drama series na “My Special Tatay” noong 2018 at sinundan ng romcom serye na “One of the Baes” taong 2019.

Sey ng kanilang supporters, natural na natural daw ang aktingan ng dalawang bida kaya naman feeling ng manonood ay may relasyon na nga sila sa totoong buhay.

Adik na adik na ngayon ang Kapuso viewers sa kuwento ng “Ang Dalawang Ikaw,” kung saan gumaganap ngang mag-asawa ang RitKen bilang sina Nelson at Mia. Dito makikita kung paano ipinaglalanan ni Mia ang asawang may sakit na dissociative identity disorder (DID).

Kung matatandaan, sa ginanap na virtual mediacon ng “Ang Dalawang Ikaw,” inamin ni Ken na mahigit pa sa pagiging on-screen partners ang relasyon nila ni Rita.

“Sa tatlong taon na magkasama kami ni Rita, napanatili namin ‘yung relationship namin na malalim kasi mahirap yun, e. Nagkaroon po ako ng mga partners before and hindi naging ganoon ‘yung relationship ko with them na sobrang lalim.

“Maganda naman ‘yung relationship ko sa mga partners ko before, dito kay Rita ko naramdaman ‘yung importante ka sa kanya.

“Ang dami kong natutunan kay Rita, ang dami niyang ibinibigay sa akin. May nagsabi kasi sa ‘kin, para ma-consider ka na isang magaling na aktor is kung magaling ka magbigay at hindi ka selfish sa mga eksena at gano’n si Rita.

“Sa bawat eksena namin binibigyan niya ako ng maraming emosyon kaya ko nagagawa ‘yung mga eksena ko kaya gano’n siyang klaseng aktres. 

“Hindi siya selfish, very selfless siya pagdating sa mga emotion na binibigay n’ya, kaya swerte kung sino man ang makakaparehas ni Rita,” pahayag ni Ken.

Sey naman ni Rita, “Honestly, kapag nakita kong mukhang sanay si Ken Chan sa part na ‘yun, kailangan maging mahusay rin ako kasi nakakahiya sa kanya kasi binibigay niya ‘yung 110% niya, e.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, nakakahiya kung magbibigay lang ako ng 98 percent, ‘di ba? So, I guess ‘yun ‘yung nagwo-work sa amin,” dagdag ni Rita.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending