Misha de Leon sa pagkatsugi sa ‘Idol PH’: Nalungkot ako, I was holding back my tears…
FEELING “grateful and thankful” pa rin si Misha de Leon kahit pa natsugi at nagbabu na sa naganap na elimination round sa “Idol Philippines” season 2 nitong weekend.
Sa kabila ng pagkatalo, hinding-hindi pa rin daw makakalimutan ng singer ang naging journey niya sa reality talent competition ng ABS-CBN dahil sa dami ng natutunan niya mula sa show.
Sa kanyang Instagram post, inamin ni Misha na talagang pinipigil niya ang mapaiyak nang i-announce na ang pagkakatanggal sa kanya sa contest.
“And just like that… My Idol journey has ended. Nalungkot ako, I was holding back my tears, pero dahil sa advice ng mga judges, na-realize ko na this is not the end, this is only the beginning of what God has planned for me,” simulang pahayag ni Misha sa kanyang IG post.
View this post on Instagram
Pero siniguro niya na hindi sa “Idol Philippines” matatapos o magwawakas ang pangarap niyang maging singer at performer.
“Natapos man ang journey ko po dito sa Idol, patuloy pa rin po akong mangangarap at magshe-share ng aking talents para po sa inyo and to inspire other people especially the youth,” pahayag ni Misha.
“Thank you so much @idolphilippines for giving me the wonderful opportunity to show my love and passion for music. This experience truly changed me as a person, and I will cherish all of my memories.
“To all of you who supported me. Sa family, mom&dad who never left my side, and mama Elvie sa sobrang daming votes (Grabe ka po hehe, love you!) Sa mga boss, and mga hardworking people behind Idol Philippines. Sa mga coordinators, mama Heidi, papa Ben, especially to mommy @chiquisticated, thank you for the love and support! To sir @edwardvitangcol, miss @jona.agaloos, sir @kendgmariano, (mamimiss ko po mag-joke sa inyo Love you guys).
“Thank you so much as well to all of the online team, HMUA team, and fashion team for helping us present ourselves in the best way possible. Sa coaches po namin, coach Lindie, coach Lucky, coach Ryan, and especially to my very supportive mama coach, coach Jerwin, thank you for being understanding and for loving me.
“Thank you as well to our guest mentors sir @iceseguerra , miss @soulsiren_nina, and sir @ogiealcasid. I couldn’t have done it without you.”
Sa huli, nagpasalamat si Misha sa lahat ng naniwala at sumuporta sa kanya sa “Idol Philippines,” “To my ates and kuyas (my fellow hopefuls), I love you guys!! I will continue to support all of you, and I am grateful sa lahat nang naging memories and lessons na natutunan ko po from all of you.
“Good luck guys! Above all, Thank you, Father God for your avalanche of blessings!” aniya pa.
Sa isang hiwalay na panayam, naibahagi rin niya kung ano ang mga life lesson na natutunan niya sa buong journey niya sa kumpetisyon.
“‘Yung natutunan ko sa ‘Idol,’ ‘yung pakikisama talaga. Doon ko na-realize na talagang dapat matuto tayong makisama sa mga taong nakakatrabaho natin,” sabi pa niya.
Bukod kay Misha, nagpaalam na rin sa contest si Nisha Bedana na naging kontrobersyal pa nga dahil hindi inakala ng lahat na siya ang matatanggal sa naganap na tsugihan portion ng show.
Ang mga masusuwerteng pumasok sa Top 8 ay sina Ann Raniel, Bryan Chong, Delly Cuales, Khimo Gumatay, Kice, PJ Fabia, Ryssi Avila, at Trisha Gomez na siyang maglalaban-laban sa next round ng “Idol Philippines.”
https://bandera.inquirer.net/322687/neri-pinagpaliwanag-si-chito-kung-bakit-natanggal-sa-idol-philippines-si-nisha-bedana
https://bandera.inquirer.net/317131/chito-sa-solid-na-samahan-ng-parokya-ni-edgar-sa-amin-music-is-secondary-barkada-lang-muna-kaming-lahat
https://bandera.inquirer.net/297016/bakbakan-ng-mga-halimaw-sa-the-clash-4-mas-tumindi-pa-rabiya-bibida-sa-wish-ko-lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.