Jodi walang pinipiling katrabaho: 'Basta ang mahalaga yung seryoso sila at professional' | Bandera

Jodi walang pinipiling katrabaho: ‘Basta ang mahalaga yung seryoso sila at professional’

Ervin Santiago |October 24,2023
facebook
share this

Jodi walang pinipiling katrabaho: ‘Basta ang mahalaga yung seryoso sila at professional’

Ervin Santiago - October 24, 2023 - 07:41 AM

Jodi walang pinipiling katrabaho: 'Basta ang mahalaga yung seryoso sila at professional'

Jodi Sta. Maria

HINDI naging isyu at walang naramdamang pressure ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria nang gawin niya ang “Unbreak My Heart” para sa GMA 7.

Ayon sa award-winning actress, hindi naging big deal sa pagtanggap niya sa naturang proyekto kung ano ang magiging reaksyon ng Kapuso viewers kapag napanood na nila ang serye.

Ang “Unbreak My Heart” ang unang collaboration ng ABS-CBN at GMA na isa sa mga naging daan para tuluyan nang matapos ang network war sa Pilipinas.

“I think least ko na iniisip kung para kanino ko gagawin yung character na binubuo ko. I think for me as an actor, mas bubuohin ko muna siya depending on what the requirements of the script and story are,” ang katwiran ni Jodi.

“That’s why I do a lot of consultations with my directors and the creative team. And I also trust my directors ayon din sa nakikita nila. Kumbaga, para nasa sa isang pahina kami,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Ruru jackpot sa career at lovelife, puring-puri ni Rhea Tan: Napakasarap niyang katrabaho!

“I am also thankful to be able to do this series in partnership with GMA 7 sa totoo lang. Because I’ve been doing seryes and movies for ABS-CBN for the past 25 years.

“So I feel na ang mga manunuod ko are those people na loyal sa kapamilya network. But now I was given the chance to experience being with a different audience and also to leave my footprint sa mga tao na hindi pa nakakapanuod ng show or serye sa ABS-CBN na maaaring hindi rin nila ako kilala as an actor.

“So parang for me lang, the goal lang is to do what is required of me excellently. And just hope that they will appreciate it, as far as the audience is concerned,” ang patuloy na paliwanag ni Jodi.

Ilan sa mga Kapuso stars na nakatrabaho ni Jodi sa nasabing serye ay sina Gabbi Garcia, Will Ashley, Maey Bautista, Sunshine Cruz at Richard Yap. Kasama rin dito ang mga kapwa niya Kapamilya na sina Joshua Garcia, Nikki Valdez at marami pang iba.

Sa tanong kung sinu-sino pa sa mga taga-GMA ang gusto niyang makatrabaho, “I don’t mind kung sino basta siyempre importante naman talaga pag sa trabaho yung professionalism ng makakasama mo.

Baka Bet Mo: ‘Pambansang Katrabaho’ Billy Crawford naikot na ang 3 major TV network; ‘hinamon’ sina Vic, Marian at Dingdong

“And yung magiging magandang experience and memory para sa ‘yo. Yung pakikipagtrabaho at pakikipagsalamuha sa mga tao,” sey ng aktres.

Dagdag pa niya, “Wala akong problema working with people in the business. Ang importante lang naman sa akin, as long as sineseryoso nila ang trabaho and they’re professional. Wala namang problema du’n.

“Siguro yung gusto rin ako katrabaho di ba? Mahirap naman na ikaw lang ang may gusto katrabaho tapos siya ayaw ka niya katrabaho. Yun lang naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero I really look forward talaga to working with different people. Kasi at the end of the day, there is something to glean from the experience eh or from that encounter. I’m really thankful to be blessed with giving actors,” sabi pa ni Jodi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending