Maey Bautista bumilib sa 'level 6' akting nina Joshua, Jodi at Gabbi: 'Saan n'yo kinukuha ‘yung power n’yo para umiyak nang umiyak ng ganu’n?' | Bandera

Maey Bautista bumilib sa ‘level 6’ akting nina Joshua, Jodi at Gabbi: ‘Saan n’yo kinukuha ‘yung power n’yo para umiyak nang umiyak ng ganu’n?’

Reggee Bonoan |October 15,2023
facebook
share this

Maey Bautista bumilib sa ‘level 6’ akting nina Joshua, Jodi at Gabbi: ‘Saan n’yo kinukuha ‘yung power n’yo para umiyak nang umiyak ng ganu’n?’

Reggee Bonoan - October 15, 2023 - 10:26 AM

Maey Bautista bumilib sa 'level 6' akting nina Joshua, Jodi at Gabbi: 'Saan n'yo kinukuha ‘yung power n’yo para umiyak nang umiyak ng ganu’n?'

Ang cast members ng ‘Unbreak My Heart’

BUMILIB ang journalist, host at Kapuso comedienne na si Maey Bautista sa mga nakatrabaho niyang Kapamilya artists tulad nina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria.

Kuwento ni Maey, kahit daw umabot na sa take six ang kanilang mga eksena ay pataas pa rin nang pataas ang level ng kanilang pag-arte at pag-iyak.

Natanong kasi ang cast members ng seryeng “Unbreak My Heart” sa ginanap na finale mediacon sa Dolphy Theater nitong Biyernes ng gabi kung ano ang hindi nila malilimutang eksperyensa sa pagtatrabaho nila sa isa’t isa.

Nauna munang ikinuwento ni Maey ang eksenang nagsuntukan sina Joshua at Jeremiah Lisbo over Gabbi Garcia na inaawat ng lahat pero dahil naapakan daw ni PJ Endrinal ang paa ng una ay napasigaw siya ng “Aray ko!” na wala sa script kaya nagkatawanan ang lahat.

Tawang-tawa rin sina Gabbi at Joshua sa kuwento ni Maey, “Actually, nakakatawa para sa ating lahat kasi ang daming nangyari, may natumba pa,” say ng aktor.

Baka Bet Mo: Maey Bautista payag pakasalan si Betong Sumaya: ‘Why not? Sobrang ang galing-galing niya sa lahat ng aspeto ng buhay!’

Hirit ni Maey, “Pasensiya na po ah, hindi po kayo (invited media/bloggers) maka-relate pero nakakatawa po sa amin ‘yun.”

Kuwento pa ng komedyana, “Pero seryosong eksenang unforgettable sa kasalan (scene), ito lagi ko pong ipinagmamalaki na ‘yung malaking cast natin na ang eksena po sa wedding, it’s a big scene. So, si Direk Manny (Palo) inihanda na kami at sinabi niya na marami kaming takes.

“Nabilib ako sa kanila (Jodi, Gabbi, Joshua) take one lang! Siguro guys umabot ng take six, ‘no (iba’t ibang anggulo) pero ‘yung pag-execute nila ng eksena, level 1, level 2 grabe ang taas nila hanggang level 6!

“Saan ninyo kinukuha ‘yung power n’yo para umiyak kayo ng umiyak ng ganu’n ka-natural? Like si Jodi hindi na tumutulo, gumaganu’n (minuwestra ang eksena), si Joshua grabe, ang tindi nila kaya pupuwede po ba nating palakpakan,” aniya.

Sabi ulit ni Maey, “Gusto n’yo pa po ng ibang kuwento?” Pero inawat na siya ng host na si Robi Domingo at sinabing “life of the party” ang GMA artist.

“Salamat po of course Nikki (Valdez) was also the life of the party,” sambit ng aktres.

Pinuri rin ni Nikki si Maey na totoong masayahing tao dahil pagpasok palang nito sa room nila ay talagang natatawa na ang lahat at sinegundahan na seryoso ito sa eksena na napasigaw ng, “Aray ko!” dahil nga natapakan siya kaya nagtawanan ang lahat.

Baka Bet Mo: Joey de Leon umiyak habang nakikipag-usap sa advertiser ng ‘Eat Bulaga’: ‘Rejection is God’s redirection’

In return ay napuri rin ni Nikki ang Kapuso young actor na si Will Ashley na lagi niyang kasama sa entire shoot nila sa Europe at pakiwari niya ay anak talaga niya ang binata.

“Nu’ng una hindi ko pa siya masyadong kilala, so, may mga special bonding kami, special moments, so, eventually nu’ng nag-grow ‘yung karakter ni Luz (Nikki) at Gerry (Will) ang ganda ng dynamics namin dito, anak ko siya sa first husband ko.

“So, before I met my second husband nagkaroon kami ng time na ako lang ang nagpapalaki sa kanya.  Actually, mayroon scene na nag-struggle siya sabi niya gusto niyang magpahinga, parang true-to-life.

“I have a teenager also a daughter.  May mga ganu’n din kaming moments na naka-relate rin ako kaya as mother and son.

“Masarap maging nanay niya sa Unbreak kasi masunurin at close kami.  Will has a long way to go, nakikita ko ‘tong batang to, may something. Love na love ko ‘yan,” paglalarawan ni Nikki sa karakter nila ng batang aktor.

At ang reaksyon ni Will, “Siyempre happy ako at sobrang palagay na ang loob ko kay Ate Nikki kasi mag-isa lang ako sa Europe wala akong kasama, di ko kasama si mommy, so, kaya si ate Nikki ang naging nanay ko (on and off camera) sa halos isang buwan.”

Samantala, mukhang may kasunod na project ang ilan sa cast members ng “Unbreak My Heart” na ka-collab ulit ang GMA 7 at ABS-CBN Dreamscape Entertainment na hindi pa ibinigay ang detalye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Limang linggo na lang mapapanood ang “Unbreak My Heartcl” sa GMA 7 at VIU mula sa direksyon nina Manny Palo at Dolly Dulu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending