Mark may ibinuking kay Lolit Solis; never pumatol sa beki

Mark may ibinuking kay Lolit Solis; never pumatol sa beki para magkapera

Reggee Bonoan |April 03,2024
facebook
share this

Mark may ibinuking kay Lolit Solis; never pumatol sa beki para magkapera

Reggee Bonoan - April 03, 2024 - 02:11 PM

Mark may ibinuking kay Lolit Solis; never pumatol sa beki para magkapera

Nicole Donesa, Mark Herras at Corky

“YUNG utang ko kay Nanay Lolit (Solis), lumang balance na ‘yun. Hindi ‘yun recently lang. Saka nabayaran ko na ‘yun. Ha-hahaha!”

Ito ang natatawang kuwento ni Mark Herras sa one-on-one interview niya kay Ogie Diaz na mapapanood na sa YouTube channel nito kagabi.

Natanong ng content creator ang tungkol sa viral issue noon ni Mark na umutang sa manager niyang si Manay Lolit ng treinta mil bagay na ibinuking ng huli.

Baka Bet Mo: Kris Aquino may secret admirer daw, sey ni Lolit: Baka ito na ang ibinigay sa kanya ng mga guardian angels

Sabi pa ni Manay Lolit bakit daw umuutang si Mark ng ganu’ng kaliit na  halaga at nabanggit pa nga nito na mas may pera pa raw ang kasambahay niya.

“Ah, bayad na,” saad ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nicole Kim Donesa-Herras (@nicole_donesa)


“Si Nanay (Lolit) kasi may mga ugali ‘yan na bilang manager ko siya before na, ‘oh hindi ka na pinag-uusapan, kailangan mapag-usapan ka, gawa tayo ng isyu!’” pambubuking ni Mark.

Dagdag pa ng aktor, “Ang problema lang nu’ng nangyari ‘yun (utang issue) siyempre hindi ako handa saka may asawa na ako.

“At kahit nasa showbiz ang asawa ko  hindi siya sanay sa intriga na ganu’ng biglaang isyu na, ‘ano to?’ Kahit i-explain ko sa kanya (asawa) apektadong-apektado siya kahit mga in-laws ko.

“Kaya sabi ko, ‘Dyusko naman si Nanay, wala man lang abiso! Hindi man lang ako sinabihan, kaya todo explain ako sa asawa ko at sa in-laws ko na to the point na, ‘Nay (Lolit) hindi na ito magwo-work sa akin, eh, mga ganitong issue hindi ko na kailangan ngayon ‘to. Nakakahiya na para sa asawa ko.

Baka Bet Mo: Payo ni Lolit Solis sa loyal KathNiel fans: Huwag nang maging violent

“Kasi maraming mga bagay sa buhay ko before na hindi ko na puwedeng i-apply ngayon, eh. Like ‘yung single ka kahit na anong isyu sige lang para lang mapag-usapan (at) umingay.

“Ngayon kasi parang nahihiya na ako.  I’m proud kung anuman ‘yung mga na-experience ko before but there are things like that na hindi ko na puwedeng i-apply.

“Kasi nga I have a family na at ‘yung anak ko naman kapag medyo bukas na bukas na ‘yung utak niya mababasa niya ‘yun, ‘dad may utang ka raw’, alam mo ‘yun, nakakahiya, eh,” paliwanag ni Mark.

Nagkatawanan sina Ogie at Mark sabay hirit ng una, “Wala ka bang treinta mil?”

“Di ba? ‘Akala ko ba sikat ka dati (sabi ng anak) bakit wala kang treinta mil?’ Parang ganu’n, eh. Siyempre hindi mo naman mapipigilan si Nanay, di ba?” sambit ni Mark.

At inaming ito ang naging dahilan kaya siya umalis sa poder ni Manay Lolit bilang manager.

“’Yun na lang din ‘yung naging choice, naging reason ko para ‘Nanay, it’s time for us to separate lives,” pagtatapat ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial


Say ni Ogie, “Pero mula nu’ng ilabas ‘yun ni Manay Lolit, doon mo naramdaman na malakas ka pala, may asim ka pa kasi maraming nagdi-DM (direct message) sa ‘yo na gusto kang tulungan and most of them gays, paano mo hinarap ‘yun?”

“Well, unang-una hindi ko sila nirereplayan. Sabi ko nga sa mga kaibigan ko, baka nakakalimutan n’yo I was raised by gay parents.

“So, kung ‘yung iba nakakaamoy sila na gay, ako tingin palang alam ko na! ‘Yung mga nagdi-DM sa akin hindi ko naman sinasabing binabastos nila ako or what hindi ko na lang sila nirereplayan.

“Hindi pa naman ako umaabot sa ganu’n (papatol) na kailangan kong replayan ‘yung mga taong ‘yun para magkapera, hindi pa naman ako umabot sa ganu’ng point sa buhay ko at hindi ko rin naman aabutin ‘yun nakakahiya rin sa magulang ko.

“Yung iba gustong tumulong talaga, ‘yung iba gustong tumulong pero tulungan mo rin sila. Ha-hahaha!” kuwento ng aktor.

“Tulungan mo rin sila sa pangangailangan nila. Ha-hahaha!” tumawang sabi rin ni Ogie.

Katwiran ni Mark, “Laya na nila ‘yun, okay pa naman ako. May ibang trabaho pa naman akong puwedeng gawin.”

Samantala, inamin ni Mark na malaki ang nabago sa buhay niya mula nang magkaroon siya ng asawa’t anak na kung dati ay pasaway siya, nali-late o hindi sinisipot ang set, ngayon ay kabaligtaran lahat dahil ibang-iba na siya at hindi na niya gagawin ulit ang mga ito.

Maging sa mga binibili niya ay hindi na rin tulad dati na kapag may nakitang magandang sapatos ay bibilhin agad na umabot sa 300 pairs noong binata pa, pero ngayon ay less than 20 pairs na lang dahil lahat ng gagawin niya ay para sa mag-ina niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Masaya ako sa ginagawa ko na ibibigay ko ang gusto ng anak ko at asawa ko,” diing sabi ni Mark.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending