Andrea pinayuhan ni Lolit, mag-explore sa mas challenging roles

Andrea pinayuhan ni Lolit, mag-explore sa mas challenging roles

Therese Arceo |March 20,2024
facebook
share this

Andrea pinayuhan ni Lolit, mag-explore sa mas challenging roles

Therese Arceo - March 20, 2024 - 07:24 PM

Andrea pinayuhan ni Lolit, mag-explore sa mas challenging roles

Lolit Solis at Andrea Brillantes

NAGBIGAY ng payo ang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang kanyang birthday wishes sa isa sa mga artistang talaga namang pinag-uusapan sa mundo ng showbiz.

“Salve birthday pala ng favorite kong star na si Andrea Brillantes. Imagine mo na 21 years old na pala siya na akala mo [teenager] pa dahil for so long childstar ang turing mo sa kanya,” panimula ni Lolit.

Hindi nga niya inaakala na ang child star noon ay isa nang napakagandang dalaga.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes ‘wanted’ sa Star Magical Prom, ‘di naka-attend

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Akala ko nga teenager pa si Andrea pero isa na pala siyang full pledged dalaga. Puwede na nga ipartner sa mga mas mature na sa kanya,” pagpapatuloy pa ni Lolit.

Aniya, dapat raw ay simulan na ng dalaga ang mag-explore ng iba pang path sa kanyang career para lalo itong mag-grow bilang aktres.

“Dapat na nga siguro mag explore ng ibang path si Andrea Brillantes. Mga pang dalagang roles na ang kanyang gawin,” sey nito.

Binati rin niya si Andrea na nagdiwang ng kaarawan noong March 12.

“Happy Birthday favorite star namin nila Salve at Gorgy. We wish you the best at sana makita na kita sa mas challenging roles. Bongga,” ani Lolit.

Kamakailan ay naging maingay muli ang pangalan ni Andrea sa social media dahil sa pagiging “missing in action” nito sa nagdaang Star Magical Prom.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit ayon kay Ogie Diaz, nakatakda raw kasi sanang lumipad pa-America si Blythe para sa kanyang birthday ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito natuloy.

“Supposedly si Andrea daw nga, ayon sa aking source ay patungong US para magbakasyon. E, hindi siya natuloy. Gustuhin man daw ng batang umattend, hindi ito nakapag-prepare ng isusuot,” chika ng talent manager.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending