Lolit Solis saludo kina Heart at Chiz: Perfect combination sila

Lolit Solis saludo kina Heart at Chiz: Perfect combination sila

Therese Arceo |March 19,2024
facebook
share this

Lolit Solis saludo kina Heart at Chiz: Perfect combination sila

Therese Arceo - March 19, 2024 - 06:13 PM

Lolit Solis saludo kina Heart at Chiz: Perfect combination sila

Lolit Solis, Heart Evangelista, at Chiz Escudero

HINANGAAN ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang mag-asawang sina Heart Evangelista at Chiz Escudero.

Sa kanyang Instagram page ay pinuri nito ang mag-asawa dahil punung-puno ng wisdom ang kanilang nagdaang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

“Salve talagang feel na feel mo ang wisdom at sincere feelings ni Heart Evangelista nang umiyak siya dahil naudlot sana ay any magiging baby girl nila ni Chiz Escudero,” panimula ni Lolit.

Aniya, ramdam na ramdam raw na may nararamdaman pa rin sakit ang dalawa kahit na tanggap ng dalawa na hindi pa nila oras magkaanak at may mas magandang plano ang Diyos para sa kanila.

Baka Bet Mo: Lolit Solis happy para kay Paolo, natuwa sa greeting ni Yen

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sey ni Lolit, “Talagang feel mo ang pain sa kanyang puso. At Salve at Gorgy imposible na hindi maantig ang puso ng mga babae sa nadaramang sakit ni Heart.

“Talagang kita mo ang pagnanais niya na magkaruon na ng anak. Sana naman matupad na ito sa madaling panahon, pero kung ayaw pa ni God maghintay lang sila dahil mas alam ng langit ang maganda para sa buhay ni Heart.”

Sa kabila naman ng nangyari sa dalawa ay pinuri ni Lolit ang pagmamahal nina Chiz at Heart sa isa’t isa.

“Afterall kitang kita mo naman kung gaano kalaki ang pagmamahal nila Heart at Chiz sa bawat isa.

“Perfect combination sila kaya siguro wala kang naririnig na intriga sa kanilang pagsasama ngayon.”

Chika pa ni Lolit, kung isang anak ang daan para mas maging matibay pa ang kanilang relasyon at pagsasama ay paniguradong ibibigay ito sa kanila ng Panginoon.

“Napakabait ni Heart para hindi pagbigyan ang kanyang hiling. A beautiful child for a beautiful couple, why not, hindi ba? Para bongga,” hirit pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nitong Biyernes,March 15, ay inamin ni Heart sa unang pagkakataon na muntik na sana silang magkaroon ng anak na babae ni Chiz.

Aniya, pinangalanan pa niya itong Sophia Heart ngunit kahit na hindi ito natuloy ay hindi nila kinukuwestiyon dahil naniniwala silang mag-asawa na may mas magandang plano sa kanila ang Panginoon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending