Lolit Solis happy para kay Paolo, natuwa sa greeting ni Yen

Lolit Solis happy para kay Paolo, natuwa sa greeting ni Yen

Therese Arceo |March 15,2024
facebook
share this

Lolit Solis happy para kay Paolo, natuwa sa greeting ni Yen

Therese Arceo - March 15, 2024 - 03:27 PM

Lolit Solis happy para kay Paolo, natuwa sa greeting ni Yen

HINDI mapigilan ng talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis nang bumati ang aktres na si Yen Santos sa kanyang alaga na si Paolo Contis.

Matarandaang nitong Huwebes, March 14, proud na ibinandera ni Yen ang larawan nila ng dyowang si Paolo na nagdiriwang ng kanyang 40th birthday.

“Screaming happy 40th birthday to you my best friend! Thank you for everything you do,” pagbati ni Yen sa alaga ni Manay Lolit.

Kaya naman nang malaman niya ito ay laking tuwa ng talent manager dahil open na sa publiko ang dalawa.

“Kaya naman natuwa ako ng openly batiin ni Yen Santos si Paolo Contis ng birthday nito. Talagang hudyat para sa lahat na malaman kung ano ang relasyon ng dalawa,” panimula ni Lolit.

Kuwento pa niya, marahil ay ito na ang right time para makita ng madlang pipol ang kanilang pag-iibigan.

Baka Bet Mo: Lolit Solis: ‘Pag talagang oras mo na, wala ka nang magagawa

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Bongga Salve at Gorgy dahil talagang about time na makita ng lahat ang pagmamahalan nila at tanggapin ito ng buong puso. Wala naman siguro magsasabi na hindi bagay sila Paolo at Yen,” sey pa ni Lolit.

Chika pa niya, nakakatuwa raw dahil stable na emotionally si Paolo.

Lahad ni Lolit, “Natutuwa ako na mukha naman very stable emotionally si Paolo Contis. Isa si Paolo Contis sa mababait na tao sa showbiz. Very transparent at very honest to a fault si Paolo.

“Mahirap siyang magtago sa anuman issue dahil sure na sasabihin niya ang tutoo. Ganuon kalaki ang paniniwala ko kay Paolo Contis dahil para sa akin isa siyang tao na hangga ngayon meron parin innocence of a child.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa rito, natutuwa si Lolit dahil muklang matibay na ang kanyang private life.

“At kung open na ang kanyang relasyon kay Yen Santos at mukha naman happy sila together bakit nga ba hindi natin tanggapin. So far so good dahil trabaho at private life ni Paolo Contis mukhang in good shape pareho.

“Wala naman siguro masama kung sakali at maging open sila sa feelings nila dahil pareho naman sila na walang sabit kahit kanino,” sey pa ni Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending